Kabanata 4:
Tahimik ako habang nasa sasakyan, hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nang matapos ang tawag niya kanina ay sakto naman na tapos na rin ako magpalit ng damit, jeans at simpleng shirt lang.
Hindi naman na ako nagtanong pa kung sino ang kausap niya, maybe that was his boyfriend huh?
Inabala ko ang aking atensyon sa mga nadadanan naming gusali, ilang minuto ang naging biyahe namin bago kami huminto sa isang sikat na fastfood restaurant na matagal ko ng hindi natitikman, dumeretsyo kami sa drive thru.
Hindi ko maiwasan mapatingin sa braso niyang may tattoo nang kabigin niya ang manibela.
What's the meaning of that tattoo?
"Good evening! Thanks for choosing us, what can I get for you today?" narinig kong masiglang sabi ng babaeng crew.
Officer Alas rested his left elbow to the window of his car, he cleared his throat. "Hey, good evening! Can we have four spicy chicken, two burger steak, one large fries? And uh, for drinks, we want one large choco caramel and pineapple juice." Napalabi ako habang sinasabi niya ang mga order, matigas ang kanyang salita.
Siguro naman ay kasama na ako, ang dami no'n. Huwag niyang sabihin sa kanya lang iyon?
Inulit ng babae ang sinabi niya saka tinanong kung mayroon pang idadagdag.
Nag-iwas tingin ako, nahiya ako bigla dahil wala naman akong pera pero gusto ko ng spaghetti, I craved for the taste of it in my mouth.
"What else do you want, Love?" tanong ni Officer Alas sabay lagay ng palad niya sa tuhod ko, animong sanay na siyang gawin iyon.
Kaagad akong bumaling sa kanya sa gulat, inosente siyang lumingon sa akin.
Nang makita ang gulat sa aking mata ay parang doon niya lang naisip ang ginawa niya.
"f**k," mura niya sabay alis ng kamay animong napaso siya.
"Okay Sir, one f**k. Large or medium—wait! W-What Sir?!" narinig kong lutang na sabi ng crew sa drive thru, narinig ko pa ang bulungan sa loob.
Kumurap-kurap si Officer bago bumaling sa kausap. "Sorry. W-Wala na, 'yon lang."
Pinaandar niya ang sasakyan, kumunot ang aking noo. Bakit niya iyon ginawa? Simpleng hawak lang iyon para sa iba pero sa akin hindi.
"That was harrassment, and I hope you are aware of it." I said flatly, hiding my trembling hands.
Hindi siya nagsalita, nakita kong gumalaw ang kanyang panga.
Hanggang makalabas kami sa drive thru ay naging tahimik siya, lumingon na ako sa labas at pamilyar ang daan sa akin, malapit sa University ko noon.
Akala ko ay hindi pa rin siya kikibo pero malakas siyang bumuntonghininga.
"Sorry, I was carried away," blanko ang kanyang boses, wala akong mabasa na pagsisi o ano mang emosyon doon.
Bahagya akong natawa. Seriously?
"Nadala saan?"
Hindi ko alam kung saan siya nadadala, kakakilala lang namin. Kahit hindi siya attracted sa same gender niya katulad ko ay hindi pa rin ako sanay, this is my personal space.
Hindi siya nagsalita, kinagat niya ang ibabang labi habang deretsyo ang tingin sa kalsada.
Nagkibit-balikat ako. "Nevermind, huwag mo na lang akong hahawakan ng gano'n sa susunod, Officer. You already know what I'm capable of," paalala ko sa kanya.
I could harm him, and I'm terrified I'll hurt him the next time he touches me.
Naging tahimik ang biyahe namin, huminto kami sa isang food park, bumaba siya dala ang mga pagkain kaya bumaba rin ako.
Napailing at umismid nang makitang nakababa na ako, ano bang problema niya? Napaka attitude naman niyang bakla.
Inilibot ko ang aking paningin sa pailigid, nauna siyang naglakad kaya sumunod ako.
Akala ko ay papasok kami sa food park pero lumiko kami at pumasok sa isang bilyaran na may gym din. Ano bang ginagawa namin dito?
Sinalubong kami ng isang lalaki tingin ko ay kaedadan namin, malaki ang katawan.
Nagulat pa siya nang makita si Officer Dela Torre animong hindi inaasahan ang presensya namin noon.
"Jamall!" I heard him call to Officer before lowering the barbell he was carrying.
Huh? What's his full name again? Mahina pa rin pala ako sa mga pangalan.
Mabilis kong iginala ang paningin sa paligid, may mangilan-ngilang babae pero mas marami ang lalaki at mukhang mga nakakatakot ang itsura, hindi ako nag-iwas tingin sa kanila.
Ngumisi ang isang lalaking mukhang adik na may malaking butas sa tainga sa akin, tinaasan ko siya nang kilay bago ko narinig ang pag umikhim si Officer Dela Torre sa gilid ko at sinenyasan akong lumapit sa kanya.
"Jamall, pare hindi ko alam na pupunta ka!" natataawang sabi ng lalaki sabay tingin sa akin. "Oh, may kasama ka!" sabi pa niya saka mas lumakas ang tawa animong may nakakatawa roon.
"Tsk, 'yong susi ng taas," sabi niya sa kausap.
"Oh, aakyat kayo? Akala ko mag-gym kayo, alam ba ni Officer D na nandito ka?" tanong nito, naglakad ang lalaki sa may bag sa bench saka may kinuha.
Hindi ko naman naiintindihan ang pinag-uusapan nila kaya nanatili na lang ang sa gilid, nagmamasid.
Medyo blured ang mga tao lalo kapag malayo na dahil malabo talaga ang aking mata, ilang taon na rin akong walang salamin pala.
"Don't tell D that I'm here."
Inabot na ng lalaki ang susi, malawak ang kanyang ngiti animong may nakakatawa talaga sa nakikita niya ngayon.
Sumimangot ako. "Oh sorry Miss ganda, hindi talaga ako sanay na may sinasama si Jamall dito, ngayon lang kaya ganito. I'm—"
Hindi na niya natapos ang sasabihin nang lagpasan siya ni Officer, tumango ako sa kanya saka nilagpasan din siya.
Narinig kong tumawa siya. "Huwag ka mag-alala Jamall, wala akong papaakyatin sa itaas! Enjoy! Eat well!" makahulugan sabi niya.
Malalaki ang hakbang ni Officer Alas, umakyat kami sa hagdanan.
Matalim ang titig ko sa malapad niyang likod, pasalamat siya't sinabihan ako ni Doc Jace na magpakabait kung hindi ay kanina pa siya may pasa sa akin.
Sobrang bilis niyang maglakad, halos maiwan ako. Nakarating kami sa isang nakasarang pinto, binuksan niya iyon.
"Ang bilis mo maglakad tapos iiwan-iwan mo naman pala ako, sinama mo pa ako rito." Hindi ko maiwasan magkomento. Naalala ko ang mga kaibigan ko noon na nag-aaral pa ako, tuwing sabay-sabay kaming maglakad at kapit-kapit pa kami, kaka-miss din pala.
Tuluyan niyang nabuksan ang pintuan saka nilingon ako. "Kapag sinabayan kita maglakad baka malabag ko na naman ang personal space mo, baka mabastos kita kasi siguradong hahawakan kita nang hindi ko namamalayan, pasensya na nasanay ako," seryosong sabi niya bago lumabas doon. Nasanay kanino? Maybe he has a sister? Or what?
Binuksan niya ang ilaw ng rooftop, namangha ako nang makitang may mga halaman at sofa roon.
"Tambayan namin, madalas ako dito lalo noong nag-aaral pa lang," imporma niya na para bang dapat ay alam ko na 'yon.
Tumango ako at dumeretsyo sa sofa, may maliliit na ilaw ang bawat sulok ng rooftop kaya sapat lang ang liwanag para sa amin.
Suminghap ako nang umihip ang hangin at bahagyang lumipad ang buhok ko kaya ikinumpol ko iyon sa kabilang gilid ng aking balikat, umupo si Officer Dela Torre sa tabi ko ngunit may sapat na distansya.
"Is it fine with you?" tanong niya, tukoy sa distansya namin.
Marahan akong tumango.
Minsan nakakainis siya, minsan hindi.
Inabot niya sa akin ang isang chicken at kanin, saka ang choco carmael.
Hindi ako mahilig doon pero mag-iinarte pa ba ako e libre na nga lang, or maybe the institution gave me allowance too? Pwede ba iyon? Bakit naman siya gagastos sa akin, wala siyang mapapala.
Lumipas ang minuto ay tahimik kaming kumakain. Tumingala ako at tinanaw ang bilog na bilog na buwan.
Ganito pala ang pakiramdam na wala kang plano sa buhay, 'yong sunod lang sa agos.
Walang plano sa hinaharap, bahala na kung anong mangyari.
"May I ask something?" basag niya sa katahimikan.
I snapped my head to him, I chuckled a little. Parang natakot ko ata niya sa pagtataray ko kanina. "Ayos lang, ano ba 'yon?"
Humigop muna siya sa pineapple niya bago magtanong.
"Would you like to continue your education? Uh, I mean nabasa ko sa record mo na isang taon na lang at pa-graduate ka na," sabi niya bakas ang pag-iingat sa boses.
I returned my gaze to the black sky, the cool air is kissing my cheek. "Una, wala akong pera pangpaaral sa sarili ko." Lumunok ako, hindi ko alam kung dapat ko pa ba itong sabihin.
"T-The institution is offering a scholarship," segunda niya.
"Gustong-gusto ko makapagtapos noon pero may desisyon akong ginawa, alam kong ganito ang kakalabasan. Alam kong ang mga bagay na pwedeng mawala sa akin pero ginawa ko pa rin. Sinira ko pa rin 'yong mayroon ako noon kasi tingin ko iyon 'yong tama, wala naman ako pinagsisihan kasi kung bibigyan ako ng isa pang pagkakataon ay gano'n pa rin ang gagawin ko. Sisirain ko pa rin ang sarili ko para sa kanila, sa kanila," mahinang sabi ko.
Suminghap ako, pakiramdam ko ay maiiyak ako kaya kinagat ko ang maanghang na manok.
Saktong tumulo ang luha ko kaya nagkunwari akong naanghangan. "A-Ang anghang pala nito, naiiyak tuloy ako," sabi ko saka pinunasan ang pisngi ko.
Hindi ko siya magawang lingunin. Ba't ba ang dali kong sabihin sa kanya ang bagay na ' yon?
"You can cry, Alice. It's okay, love," he said softly.
Nabitawan ko ang pagkain ko saka ko naitakip ang dalawang palad sa aking mukha, parang gatilyo ang sinabi niya. Sunod-sunod na tumulo ang aking luha, nakakasawa magpanggap na malakas, na hindi ako natatakot, na hindi ako nakukunsensya dahil ang totoo ay minsan iniisip ko na lang paano kung ako 'yong namatay at hindi si Ate? Paano kung ako 'yong nawala?
Sa tingin ko ay ayos ang buhay nilang lahat, ako lang naman ang panggulo. Ako ang baliw, ako 'yong masama.
"C-Can I hug you? Please let me . . . touch you." Narinig kong bulong niya, pakiramdam ko ay sobrang lapit na niya.
Hindi ako sumagot at tahimik na umiyak, dahan-dahan akong tumango.
Umawanag ang aking labi nang kabigin niya ako at mahigpit na niyakap. Officer Alas placed me on his chest, hugging me tightly.
"I wanna die," I informed him.
sumikip ang dibdib ko dahil alam kong walang makakaalala kung sakaling mawala ako ngayon. Walang iiyak, walang masasaktan.
Mas humigpit ang kanyang yakap, nalanghap ko ang pamilyar na pabango.
I still remember that smell!
Parehas ng pabango ni Kuya T noong subukan niya akong pagsamantalahan, tandang-tanda ko.
"Alice, not on my watch. I'm not going to let you remain a prisoner of your past. We'll make new memories, and I'll help you in building yourself. I'm not going anywhere this time. I promise."
________________________