Kabanata 33: Walang nagsalita sa amin ni Chen nang biyahe namin pauwi. Hindi ko makalimutan ang itsura niya kanina nang madatnan kami, ilahad niya lang ang kamay sa akin para umuwi na kami at sumama ako kahit ayaw kong iwan sa gano'n sitwasyon si Alas. At ngayon nasa loob na kami ng aming kwarto ay nanatili siyang tahimik, kinabahan ako sa kung ano ang mga narinig niya. Hindi na ako magtataka kung paano niya kami nahanap, sinabi ba sa kanya ni Alas o baka naman ni Lorcan. Pinapakiramdaman ko si Chendler habang naghuhubad siya nang sapatos at nakaupo sa aming kama. Dahil nakatalikod sa akin ay kitang-kita ko ang kanyang hubad na likuran. Malakas akong bumuntonghininga saka gumapang sa kama papalapit sa kanya at lumuhod sa kanyang likuran. Naramdaman kong natigilan siya nang dampian k

