Kabanata 13: Before, I hate people for asking things about myself, my past and my plans. Isa rin sa mga dahilan kung bakit ayokong makipag-usap sa ibang tao, sa mga bagong kakilala. Bagong tanungan na naman, paulit-ulit kaya kung minsan ay mas pinipili ko na lang na huwag makipagkilala. Pero ngayon na halos dalawang buwan na ako rito sa labas ay nasasanay na rin ako, lalo na sa trabahong pinasukan ko. Kailangan kong makipagsalamuha, kailangan makisama, na kahit ano pa lang sabi kong kaya ko naman mag-isa ay hindi pa rin pwede. Dadating pa rin 'yong panahon na kailangan kong gawin 'yong mga bagay na ayoko. "Oh, si Ateng Alice ang sasahod ngayon no?" Samy announced. Isang hapon habang binibilang niya ang pera na hulugan namin katulad ng usapan noong unang linggo ko pa lang. Unang suma

