Ep 03

1435 Words
Dice's POV "Whatt!? Are you kidding me? You're getting me a tutor? Ma hindi na ako bata! Pang grades school lang yung mga ganun!"  Pagrereklamo ko kay mama habang sinusuri ang laman ng ref kung anu pwedeng kainin ,kinuha ko nalang yung root beer in can at umupo sa sofa. Sino ba naman kasi hindi maiinis ,eh gagraduate ka na ng senior high kukunan ka pa ng tutor? Pambata lang yun ,bakit hindi nalang yang si Moosa kunan nila ng tutor,bakit ako pa? Ayts "Dapat yang si Moosa ang kunan nyo ng tutor not me!" Dagdag ko pa kay mama habang tinuturo ang 7 years old kong kapatid na si Moosa sabay tungga ng root bear na hawak ko. "I don't need a tutor! Hindi naman ganyan grades ko sa grades mo kuya eh ,hmp!" Aba sumasagot na to ah! Tiningnan ko lang ito ng masama at binelatan lang ako sabay akyat ng hagdan. Loko yun ah! "You need a tutor Dice, tingnan mo nga naman tong grades mo oh,puro palakol. Math 75,English 78,Filipino 79 Sci-" hindi na naituloy ni mama yung sinasabi nya dahil nagsalita si papa. "Hon wag mo nang isa-isahin nasasaktan anak mo. Saka ayos naman ng grades ng anak mo ah. Tingnan mo yung Character Education nya,89" si papa. Yan si papa. Laging kampi sakin. Saka tama naman si papa eh,maayos ang grades ko anu pa ba gusto ni mama. Ini-stress lang ni mama yung sarili niya eh. "Ano maayos dito? Tsk kayo talagang mag ama. Ah basta whether you like it or not magtu-tutor ka! " si mama at paakyat sa kwarto. Napatayo ako sa sofa dahil sa sinabi ni mama. "But ma..." pagrereklamo ko. Pero di ko na naituloy yung pagpo-protesta ko dahil siningitan agad ako ni mama. "No buts Mr.Dice Villabroza! I already talked to your principal at may nakuha na daw sya ,your tutor will come to our house the day after tomorrow." Ayan tinawag na naman ako sa full name ko. Hayss kainis. Saka kasasabi nya lng na kukuhanan nya ako ng tutor tapos biglang meron na agad. Tss edi wow! "Pa!" Pagtawag ko kay papa sa boses na parang "pa si mama oh". Umasa akong kakampihan ako ni papa pero.. "Sorry son,pero I think your mom's right." Si papa at tinapik yung balikat ko saka sumunod kay mama. At naiwan akong nakakunot ang noo. Napaupo nalang ako sa sofa at ginulo ang buhok ko dahil sa inis. Arghhhh!.. Umakyat na ako kung sa kwarto ko na inis na inis pa din. Bakit ba kase magtu-tutor pa? Tss.. ano ako? Batang grade 1 para itutor pa,eh kaya ko naman nang magreview at mag aral by myself saka nakakapasa naman ako kahit papaano ah,saka hindi naman sa grades tinitingnan yun eh,porke ba puro pasang awa laman ng card ko wala na akong natututunan? Ayts sasakit nyo sa betlogs oo! Humiga ako sa kama at inunan ko yung dalawang kamay ko. "Anu kaya ginagawa ngayun nung nerd na yun?" Out of the blue ko tanung sa sarili ko. Psh! Bakit ko ba sya iniisip? Ewan ko ba? Basta bigla na lang akong naging interesado sa nerd na yun,di ko alam kung kailan ito nagsimula basta biglaan ko nalang naramdamang guato ko syang makilala. Hindi dahil type ko sya ah no way! Ganito lang talaga kase ako once na naging interesado ako sa isang bagay gagawa ako ng paraan para mapalapit doon. Actually kaninang umaga naging stakler nya ako, nalaman ko kasing malapit lang tirahan nila dito sa village namin. FLASHBACK: Ngayun ko lang talaga ginawa 'tong bagay na ito dahil sa pagiging interesado ko sa isang bagay o tao. Hindi ko lubos maisip na magagawa kong i-stalk ang isang baklang nerd na classmate ko. Nasa tapat ako ng bahay nila ngayun. After kong mag-jogging I decided na pumunta dito. Ewan ko din kung bakit basta nalang pumasok ang ideyang iyon sa isip ko at hinayaan ko nalang na dalhin ako ng mga paa ko dito. Nasa isang puno ko at tinitingnan ang bahay nila? Well may nakapagsabi lang naman sakin kaya ko nalaman bahay. Lumapit ako sa bahay at ikinagulat ko ang nakita ko..... "Eden's Boarding House" Sa boarding house sya nakatira? Bakit? Wala ba syang pamilya? Mas lalo tuloy naging interesado sa buhay ng taong tao. Ilang sandali pa ay narinig kong parang  may nagbubukas ng gate. Agad akong nagtago sa isang puno at nakita kong lumabas mula sa gate yung nerd este Eyanne pala. Nakatingin lang ako sa kanya,ang aga naman nyang pumasok? Ganyan ba ang mga nerds maagang pumapasok? Nang makita kong malayo na sya ay sinundan ko sya,mukha akong tanga sa ginagawa ko. Huminto sya at sandaling lumingon sa likod nya. Ako naman biglang tago. Mukhang nakakahalata na sya. Nagkibit balikat nalang sya nung walang makita at nagpatuloy sa paglalakad pero... "Aww s**t!" Syet! Tang*na! Ang daming langgam.. "S-sino nandyan?" Rinig kong tanung nya. Lagot! Patay na! Tss... pahamak na langgam naman kase lakas makapang bad trip! Rinig ko yung yabag nya palapit sa pinagtataguan kong puno. Patay hindi nya ko pwedeng makita. 1..2..3.. Takbooo! At ayun na nga,ang gwapong ako ay kumaripas ng takbo na parang kriminak na hinahabol ng pulis. Tsk tsk. End of Flashback.... Sana nga hindi nya ako nakilala eh,ako naman kasi Itong tatanga tanga na nakalimutan kog jersey ko pala yung suot kong pang itaas kanina. Mahirap na vaka sabihin nun stalker nya ako at may gusto sa kanya.. No way! Kahit kailan di ako papatol sa bakla nuh.. Interesado lang ako sa kanya. Gusto ko lang sya makilala at makausap yun lang pero paano ko gagawin yun? Ayaw nya nga akong kausapin tulad kanina. Tapos nung nagsalita sya na ikinagulat ko kase first time ay bigla nalang syang napalingon kay Ashley. Siguro pinagbataan sya nun na wag akong kausapin pag tumabi ako sa kanya? Yung babaeng hipon talaga na yun,she's thinking na papatulan ko sya? Never! My problem is,kailangan kong makaisip ng paraan para magkalapit kami ni nerd. Sa pag iisip ko ay nakaramdam ako ng pamimigat ng mata. Pinikit ko ito hanggang sa tuluyang makatulog. - Eyanne's POV "You will be the tutor of Dice Villabroza" "You will be the tutor of Dice Villabroza" "You will be the tutor of Dice Villabroza" "You will be the tutor of Dice Villabroza" Mga salita na mala bangungot na paulit ulit sumasagi sa isip ko. Bakit ako pa? Bakit hindi nalang teacher sa school? Pwede naman yun diba? At saka,si Dice? Yung maangas na yun? Tssk baka maputi na lahat ng buhok ko sama mo na yung sa baba eh hindi pa nya nagegets lahat ng itinuturo ko. Anak ng pitongput pitong puting pating naman oh! Saka hello? Ako? Si Dice? Magkakasundo? Baka kada meeting magkudaan kami nun dahil sa kayabangan at kahanginan nun eh. Wahh ayoko na talagang isipin. Sumasakit brain cells ko. Napapasabunot nalang ako sa buhok. "Arghhhhhhhhh ayo-" bigla nalang akong napasigaw dahil sa sobrang inis. Pero biglang may kung anung naglanding sa ulo at mukha ko. "Arayy!" Daing ko ng tumama sakin yung isang unan. Tiningnan ko ito pero di naman akin,kilala ko yung unan na to ah.. Teka.."bakit ba nambabato ka ate Ishe?" Tanung ko na may halong inis ,inayos ko yung salamin kong medyo nawala sa ayos dahil sa pagbato nya. "Sino bang hindi mambabato sayo eh kanina ka pa nakatulala dyan daig mo pa tinakasan ng sarili mong kaluluwa tapos bigla kang sisigaw dyan ,buti nga unan lang naibato ko eh,kung calculus lang nirereview ko baka scientific calculator na naibato ko sayo." Sagot nya habang may pasingit na tawa. Si ate Ishe kase yung isa sa ka-room ko dito sa boarding,yung isa si Baklang Jojo na naliligo ,parehas silang second year college. "Kababae mong tao ate pero ang brutal mo!" sarcastic kong sigaw sa kanya na tinawanan nya lang. Totoo naman kase para syang amazona,kaya wala pang boyfriend eh. "Haha eh ano ba kase problema mo at nag-ala darna ka sa pagsigaw bakla ka!" Singit ni Jojo na kalalabas lang ng cr na nakatapis hanggang dibdib at nagpupunas ng buhok. Feeling babae si bakla eh. "Malaki..sobrang laki bakla" sagot ko habang isinisiksik yung mukha ko sa unan na hawak ko sa tonong paiyak. "Ano nga gaga? Eh kung sabihin mo at baka matulungan ka namin" si ate Ishe Hay sana nga makatulong kayo.. Umayos ako ng upo saka sinimulang ikuwento sa kanila problema ko. *paaaak* "Aray! Joket ba!?" Kainis tong si Jojo,parehas sila ni Ate Ishe. Sobrang sasadista. Tsk. "Akala ko pa naman kung anu bakla! May pasigaw sigaw effect ka pa. Ang simple lang naman pala ng problema mo gagang to!" Sagot nya sabay tayo at nagsimulang magbihis. Anung simple? Malaking problema yun para sa akin nuh! Malaking malaki. Huhu "Alam mo bakla,simple lang solusyon dyan,itu-tutor mo lang naman eh ,hindi nyo naman kailangan magkasundo para maturuan sya,gawin mo lang yung dapat mong gawin then tapos" ani ni Ate Ishe,saka ako tinapik sa balikat ko at bumalik sya sa pagrereview nya. Sana nga maging madali para sakin to.. Hayss... Tama naman si din si Ate ,gagawin ko lang yung kung anu dapat kong gawin. Yun lang. Napahiga nalang ako sa kama at tumingin sa kisami, napabuntong hininga na lang ako. Pinikit ko yung mata ko at tuluyang nakatulog. #######################################
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD