Isang linggo na ang nakalipas simula nang umalis kami papuntang America, wala na rin akong balita kay Troye at Catherina. Labis na pangungulila ang aking nararamdaman ngayon, gusto ko na ulit makita at mayakap si Troye gustong-gusto ko na talaga siya makasama ulit. Napapikit ako ng mariin nang maramdaman ko ang gamot na nanonout sa aking kalamnan. Sobra kaming nahirapan noong nasa airport kami, hindi kasi ako halos makagalaw dahil maraming tao sa airport, basta ang huli ko na lang naalala ay ang bigla kong pagkahimatay at medyo okay an ako nang magising ako kasi nasa America na ako. Hindi ko alam pero parang tinurukan ako ng pampatulog para mapatagal ang aking pagkakatulog habang nasa biyahe. Sa loob ng isang linggo na pagkakaconfined, nalaman na nila kung anong sakit na naman ang meron

