Mauvie Pumasok na ako ng bahay. Pinagpapawisan ako ngayon, ay hindi lang ngayon kung hindi halos gabi-gabi. Kapag umuuwi ako ng bahay ay ganito ako ka-kabado. Laging grand entrance ang pagpasok ko at umuusok na ilong ang bubungad sa akin. "Mauvie Adora!" Bungad ni Dad sa akin. Naka upo si Mommy malayo kay Daddy. At umiiling ito na parang ayaw niya sa tono ni Daddy. Ito nanaman tayo Adora. You're in a big trouble. Doble doble pa. Hindi na maganda ito. Alam mo 'yong nararamdaman mo ang sakit dahil ikaw ang may kasalanan ng lahat? Yung pakiramdam na ikaw ang dahil kung bakit nagkakagulo ang lahat. "I met the family of Giovanni. At bago namin nalaman ang pakikipagsundo ng pamilya ni Kevin sa 'yo ay pumayag na kami sa aggreement ng kumpanya ng mga Santos. Alam mo ba kung ano itong pinasok

