M A U V I E Agad akong bumaba nang kami ay nakarating. Anong nangyari sa Kevin ko? Ang parents niya ba ang gumawa nun? How cruel! Hindi dapat nila sinasaktan si Kevin, anak nila ito. They should accept the fact. Inis na inis ako sa sarili ko, hindi man lang naprotektahan ang bestfriend ko. Hindi ko memorize talaga ang buong headquarters pero para alam na alam ng paa ko saan ako papunta. "KEVIN!" sumigaw ako nang makita siya sa gallery at tulala. Hindi siya kumibo at parang wala sa kaniyang mundo. My poor guy, dahil sa kagustuhan ng iyong parents na maging normal ka kailangan ng anak magpanggap. My poor Kevin, hindi niya dapat ito tinatamasa. Lumapit ako sa kaniya at kinuha ng palad ko ang kaniyang mukha. "K-Kevin..." tawag ko. Tsaka lang siya natauhan at ako'y tinignan. Malungkot ang

