Chapter 45. Niall's POV Kakabalik ko lang dito sa single house na tinutuluyan ko. Galing kasi ako ng bayan, d'on na lang ako kumain. Ako lang naman kasing mag isa kaya hindi na ako nagdala pa ng mga pagkain. Pero, kotse, damit at sarili ko lang ang dala ko ngayon dito. Ayoko na namang magsama pa ng iba dahil sa Yrie at mga anak niya lang naman ang pakay ko dito. Pumunta ako dito para bantayan sila laban sa magaling nilang ama. Sa katunayan ay talagang nalulungkot akong mag isa dito. Ngayon lang kasi ako nag out of town na tanging sarili at mga importanteng gamit ko lang ang dala ko. Hindi pa ako pumupunta sa dagat dahil ako lang naman ang mag isa. Magmumukhang tangang loner lang ako d'on. Nakakahiya naman sa mga pamilyang pumupunta d'on at sabay sabay kung maligo. Hindi bale, pagabi na

