Chapter 33. Zayn's POV Pagkarating na pagkarating ko pa lang dito sa office, bumungad agad 'tong sekretarya ko, "Sir Zayn. May naghahanap po sa inyo. Kanina pa po." Sabi niya habang naglalakad ako papasok sa office ko. Kararating ko lang kasi dito. Galing ako sa condo nila Trisha. Hindi na rin ako nakauwi sa bahay dahil dumeretso na kaagad ako dito. Ang dami ko pang natenggang gawain, at ngayon, may naghahanap pa pala sa akin. "Pabalikin mo na lang siya next time. Marami akong ginagawa ngayon." Inaayos ko ang mga papers sa ibabaw ng lamesa ko. Wala pa rin ako masiyadong tulog ngayon kaya medyo masakit pa ang ulo ko at ayoko munang kumausap ng iba. Kaya nga dito na agad ako dumeretso dahil panigurado, kakausapin na naman ako ni Ynah, tapos mag aaway na naman kami, tapos paulit ulit na. N

