Chapter 43. Zayn's POV It's 6 AM in the morning at nasa Iba, Zambales na rin naman kami. Kaunting drive na lang ay malapit na kami d'un sa Pundaquit, Zambales kung saan kami maga-outing ngayon. Tulog pa ang mga bata at itong si Ynah naman ay nakatingin lang sa bintana niya habang nasa biyahe. 4 AM kasi kami umalis sa bahay, at dahil sa excitement na rin ng mga bata ay buti na lang bumangon na rin sila kaso mga nakatulog din naman sa biyahe. Tiningnan ko si Ynah, hindi pa yata siya natutulog sa buong biyahe. Hindi niya pa nga rin ako kinakausap. Paano naman namin mae-enjoy 'tong outing namin kung galit siya sa akin, hindi ba? Hindi na nga ako pumasok ngayong Sabado kaya sana naman ma-appreciate niya ang effort nang pag leave ko sa trabaho. Sinabi ko kay Trisha ang tungkol dito pero siyem

