Chapter 10. Clarisse’s POV Kasalukuyang nandito kami ngayon sa ospital kung saan isinugod si Ate Shaina. Kaming dalawa lang ni Baboy ang nandito. Kakaalis lang din kasi ng mga magulang nila Patrick at pati na rin si Tito Josh dito. Okay lang naman daw kasi ang lagay ni Ate Shaina. Marahil daw siguro sa sobrang pagod at medyo depressed daw ngayon si Ate Shaina kaya siya bigla biglang hinimatay. Isipin niyo nga, nakita niya lang ang ex ni best friend ay hinimatay na kaagad siya? Kaya nga may hinala kami na dati pa niya pinoproblema yang si Tricia eh. Hindi naman siya magyayayang umuwi dito sa Pinas, kung di siya biglang nagpanic sa ex ni best friend diba? Hindi pa nga alam 'to ni best friend eh. 'Yung tungkol kay Tricia. Hindi pa niya alam na parang kabute ito na basta basta nalang sumulp

