Chapter 7. Zayn’s POV “Wala na ba kayong naiwan sa bahay?” Tanong ko sa mga bata. “Wala na po Daddy.” Sabay na sagot nila Ziekke at Zyril sa akin. “Ikaw Mmy? Baka may naiwan ka pa?” Tanong ko naman kay Marie. “Okay na. Nailagay na naman ni Maricel lahat ng mga baon natin. 'Pag may nalimutan lang talaga siyang ilagay sa likod ng kotse natin pagagalitan ko siya at siya ang sisisihin sa lahat." Sagot sa akin ni Marie habang hawak niya ang phone niya. May katext yata siya pero siguro isa lang 'yun sa mga barkada o kakilala niya. Natawa ako, “Hahaha. Oh bakit parang nagagalit ka agad. Nakasalubong ang dalawa mong kilay eh hindi pa nga tayo umaalis oh.” “Tss.” Pagsusungit ni Marie sa akin. 'Yan na naman siya. Pinaandar ko na ang kotse para makarating agad kami ng maaga sa St. Peter Cemet

