Chapter 1.
Ynah's POV
“Ziekke! Nasaan si Zyril?” Tanong ko sa batang ito habang nakatutok ang mga mata sa laptop niya.
“Aba, ewan mommy. Nasa labas na naman siguro 'yun, bakit sa akin niyo pa kasi siya hinahanap. Tsk. Kitang may ginagawa ako dito eh.” Loko rin 'tong batang ito ah. Naturingang panganay sa magkapatid ni hindi man lang inaalagaan ang nakababatang kapatid niya.
Pansin niyo naman na hindi spokening dollar itong anak ko. Okay nga 'yun eh. Hindi kasi namin sinanay ni Zayn na maging ganun ang mga anak namin. Okay na rin namang araw araw silang pumapasok sa eskwelahan at doon na napa-practice ang English skills nila. Baka sabihan pa sila ng iba na mayaman ang pamilya nila. Eh hindi rin naman kami mayaman, maykaya lang.
Lumapit ako kay Ziekke, “Ikaw bata ka, ginawa mo na ba ang mga home works mo? Bakit 'yan na naman ang inaatupag mo? Laro na lang ng laro oh. Hanapin mo sa labas si Zyril at pauwiin mo na rin. Magmeryenda na muna kayo dito.” Pagkasabi ko nun ay binaba ko ang screen ng laptop ni Ziekke. Laro naman kasi nang laro eh.
“Mommy naman! Bakit mo ginawa 'yun?! Aish!” Sabay kamot pa sa ulo ni Ziekke.
“Hoy, 'wag mo kong gaganyan ganyanin ah. Walang kuwenta 'yang larong nilalaro mo. Twelve years old ka na at naglalaro ka pa rin ng ganyan? Malaki ka na at dapat hindi ka na naglalaro ng mga ganyang pambatang laro!" Pangaral ko sa kanya. Gusto niyang pangaralan ko siya ah...
Napakamot uli ng ilang beses sa ulo itong si Ziekke, “Sige! Ngudngurin mo pa ang mga daliri mo diyan sa ulo mo. Matanggal sana ang anit mo!” Pangaasar ko pa sa kanya.
“Ang korni mo talaga kahit kailan 'mmy. Hindi pambata 'yung nilalaro ko. Tinuro kaya sa akin ni Daddy ang larong 'to. Ganda kaya niyang League of Legends! KJ ka lang kasi talaga Mommy at 'yun ang sabihin mo. Natural lang sa edad ko ang maglaro nang maglaro ng mga ganyang laro 'no." Pangangatwiran pa sa akin ng batang ito.
Pinalo ko nga ang bibig niya, pero siyempre mahina lang 'yun, “Hetong batang 'to! Lumabas ka na nga lang dun at hanapin mo si Zyril nang makauwi na agad 'yun. Nangangatwiran pa eh. Tsk!"
Sa batok naman niya siya napakamot. Bahala ka diyang bata ka. Lumabas na rin siya para hanapin si Zyril…
Napahilamos na lang ako sa mukha ko. Ang hirap pala talaga pag may anak kang lalaki tapos ang liga ligalig pa. Pero hindi ko naman siya madalas na sinasaway sa paglalaro niya ng mga ganung laro dahil nage-excel naman talaga siya sa school. Hindi bababa sa 3 ang rank sa school niya, itong si Ziekke. Si Zyril naman, I'm proud to say na lagi siyang rank 1 sa kanila naman. Magkapareho lang naman kasi sila ng pinapasukang school ni Ziekke. Sa aming alma mater, ang Realubit University.
“Mommy! Si Kuya oh, nangaaway!” Nagulat naman ako sa boses ni Zyril. Andito na pala ang mga bata.
“Oh, bakit mo naman kasi inaway Ziekke ang kapatid mo?”
“Ayaw pa kasi magpauwi eh. Ang daming arte.” Tipid na sagot ni Ziekke at saka dumeretso na siya sa kuwarto niya. Kahit kailan talaga ang batang 'yun ay ugaling ugali talaga ni Zayn.
Lumapit sa akin si Zyril at saka ako niyakap, “Napakasuplado talaga ni Kuya, Mommy.” Sabi sa akin ni Zyril habang nakayakap siya sa akin. Siya naman talaga ang pinaka-sweet sa kanilang dalawa ni Ziekke, kahit 10 years old na itong si Zyril.
Niyakap ko pabalik itong si Zyril, “Ganyan talaga ang Kuya mo, Zyril. Binulabog ko kasi siya sa paglalaro niya diyan sa laptop niya eh.”
“Hay nako. Si Kuya talaga, ang babaw. Nabulabog lang sa paglalaro niya ng LOL LOL na 'yan, galit na galit agad. Hayaan mo siya Mommy, basta ako mga outdoor games naman ang nilalaro ko with my friends eh. Saka Mommy, look! Ang ganda ba ng gawa kong loom band?" Sabay pakita sa akin ni Zyril ng assorted colors na loom band sa kamay niya.
“Maganda---“ Naputol ang sinasabi ko dahil kay Ziekke, “Ayan ang mga nagsasayang ng pera sa mga loom bands na 'yan. Hindi ka ba nanunuod ng balita Zyril? Na masama sa kalusugan ang mga gomang 'yan. Tss.” Sabi ni Ziekke habang nagsasalin ng juice dun sa kusina. Kita naman namin kasi siya ni Zyril hanggang dito. Ay nako. Nangontra na naman ang batang Zayn.
“Mommy si Kuya Ziekke na naman oh!” Nakangiwing sumbong sa akin ni Zyril. Ang hirap pa naman sawayin ng Ziekke na 'yan.
“Ziekke, kanina ka pa ha. 'Wag kang sumagot sagot diyan. Sa daddy niyo lang ikaw takot eh. Naabala lang sa paglalaro mo aawayin mo na ako pati ang kapatid mo? Ayoko ng ganyang ugali Ziekke ha.” Sigaw ko pero hindi naman talaga ako galit. Pinapangaralan ko lang nang husto itong si Ziekke para magtanda. Hindi naman kasi talaga puwede 'yang mga pinapakita niyang paguugali sa amin eh. Tsk.
“Sorry po Mommy. Sorry rin Zyril.” Sabi ni Ziekke habang nakayuko pa rin siya sa kinatatayuan niya doon.
'Yan din naman ang gusto ko diyan sa anak kong Ziekke. Kadalasan laging nagbibiro pero minsan nga lang napapasobra na. Pero okay lang naman, bata pa naman siya at naiintindihan ko naman ang paguugali ng isang bata. Dahil siyempre may kapatid akong mas bata sa akin. Si Patrick... Buti nga at naranasan ko kahit papaano na maging ate eh. At least maaga pa lang ay alam ko na ang paguugali at gawi ng mas bata pa sa akin na lagi ko pang kasama araw araw dati sa loob ng bahay.
Bigla ko tuloy namiss sila Pat, kuya Pao, Tita, Tito, Mama at Papa. Sila Tita at Tito kasi ay nasa Davao na. Wala na kasi silang makakasama pa doon sa bahay. Sila Mama't Papa naman, sila na ang tumao sa dati naming bahay. Silang dalawa lang. Minsan ay dun namin iniiwan ang mga anak namin kapag may pupuntahan kami ni Zayn o hindi pa kami nakakauwi galing trabaho tapos gabi na. Kunsabagay, si Zayn na lang naman ngayon ang nagtatrabaho sa aming dalawa. Sila Patrick at Ate Shaina, nasa ibang bansa na sila nakatira ngayon. Sila Kuya Paulo at Ate Catherine ay nasa Laguna. Kagustuhan kasi ni Ate Catherine na manirahan silang dalawa ni kuya Paulo sa probinsya.
Bakit nga ba napunta tayo doon eh etong mga anak ko nga palang makukulit ang kausap ngayon. “Okay lang 'yun Kuya. Gusto mo rin bang gawan kita ng loom bands?” Nakangiting alok ni Zyril kay Ziekke.
“Ayoko nga. Bakla at mga babae lang kaya ang nagsusuot ng ganun.”
“Eeh. It depends in a color you’ll choose naman Kuya.”
“Ayoko. Basta hindi ako bakla.” Pagmamatigas pa rin ni Ziekke. Ay nako, hindi na lang makisakay kay Zyril eh.
“Oh, tama na 'yan.” Awat ko sa kanila at baka magaway na naman kasi ang dalawang 'to. Madalas pa namang nagaaway ang dalawang chikiting na ito, “Ako na lang ang gawan mo baby. Ha?” Dagdag ko pa kay Zyril.
“Later, mommy. Si Kuya muna ang gagawan ko.”
“Ayoko nga kasi Zyril. 'Wag makulit. Masasayang lang 'yang paggawa mo.” Sabi ni Ziekke at saka bumalik na dito sa sala at umupo na para inumin ang sariling timpla niya ng gusto. Heto ang isa pagiging unique ni Ziekke eh. Kahit na tamad siya sa mga bagay bagay, sarili pa rin niya ang gustong magtimpla sa sarili niyang juice. Hanggang ngayon kasi ay wala pa kaming katulong. Pero naghahanap na kami dahil malalaki na naman itong mga anak namin at medyo nagiging busy na rin lalo si Zayn at hindi ko na kinakaya ang mga gawain dito sa bahay pati mahaba na ang oras ng pasok ng mga anak namin. Kailangan namin ng magi-stay sa bahay namin para gumawa ng mga gawaing bahay. Nakakapagod kasi talaga kapag galing ka sa trabaho tapos ikaw pa ang magaayos ng mga kalat at mga gawain dito sa bahay pagkauwi na pagkauwi mo eh. Saka natuto na rin naman kami ni Zayn kung paano maging independent. Nang hindi na humihingi pa ng tulong sa mga magulang namin. Nung nagtatrabaho pa ako sa opisina nila Zayn, naranasa ko 'yun. Pero ngayong house wife na lang ako, kahit wala na akong trabaho ay mas napapagod naman ako ngayon dito sa mga gawaing bahay dito.
“Edi... Itago mo na lang.” Sabi ni Zyril habang nakatungo na at kinakalikot lang ang mga loom bands na nakasabit sa kamay niya. Haay. Ang cute ng baby ko oh, kaso ito naman kasing Kuya niya ay hindi man lang siguro nacu-cute-an sa kanya. Hindi na lang kasi um-oo na lang eh.
“Ipapamigay ko lang din sa iba 'yun.” Pagkasabi na pagkasabi ni Ziekke ay tumayo na siya at pumunta muli sa kusina at saka nilagay na sa lababo ang baso ng pinaginuman niyang juice. Isang lagakan lang talaga ang isang basong puno ng juice nitong anak ko oh.
Biglang tumayo si Zyril, “Sige... 'Wag na lang.” Pagkasabi na pagkasabi niya nun ay dumeretso na siya sa kwarto niya. Nako, nagtampo na yata. Nakikita ko talaga ang sarili ko kay Zyril pag mabilis akong magtampo sa mga mabababaw na bagay.
“Hay nako naman kasi Ziekke. Kapag umiyak 'yang si Zyril lagot ka sa akin ah. Lagi mo na lang siya inaaway. Tsk.” Saway ko ulit kay Ziekke.
Napakamot na lang muli ng batok si Ziekke, at dumeretso na rin siya sa kwarto niya...
Heto ang ayaw ko eh...
Ako na naman ang naiiwang magisa dito sa sala. Mamaya pa kasi ang dating ni Zayn. Mga 6 PM pa siya makakarating. Hindi pa kasama ang over time dun. 'Pag nago-over time siya, mga 8 PM na ang pinakamatagal. Hindi pa pala kasama ang traffic dun. 'Pag kasama pala ang traffic dun, 9 PM na talaga ang huling pinakamatagal.
Pinahinto na rin niya ako sa pagtatrabaho, a year ago lang. Doon din ako sa opisina ni Zayn kung saan siya ang CEO dun. Masaya naman ako sa trabaho ko dun dahil secretary niya ako. Kaso, medyo marami rami ang ginagawa ng sekretarya doon. Napaguutusan pa ng ibang mas nakakataas sa akin at ako ang madalas na pinapunta kunwari sa ganyan, ganito, para magpasa kunwari ng mga papeles at kung ano ano pa man 'yan. Ayaw ng ganun ni Zayn. Mabuti raw sana ay buong araw nasa opisina niya lang daw lagi ako.
Kaya ang ginagawa ko na lang ngayon ay dito sa bahay, house wife. Kaya nga hanggang ngayon ay prinsesa pa rin ang pagtrato sa akin ni Zayn. Pero dahil ito ang gusto ni Zayn na gawin ko, well... He’s the boss. But I’m still the rule maker.
I pressed the temple of my eyes while still thinking about my family. Dahil kahit ako, walang wala pa rin talagang idea kung ano pa nga ba ang mga mangyayari pa sa buhay namin lalo na’t ngayon... May pamilya na ako. Tanging si Author lang ang may hawak ng kapalaran namin.
“I’m home!” Bigla akong nabuhayan sa boses na narinig ko kasabay ng pagbukas ng pinto ng bahay.
“'Ddy!” Binati ko agad si Zayn at sinalubong ko agad siya ng isang mahigpit na yakap at maraming halik sa mukha niya. Ang aga pa ah, ang aga niyang makarating. Timing talaga iniisip ko pa naman siya ngayon.
“Na-miss talaga ako ng mmy ko oh. Oh there you are, little kiddos.” Umalis muna saglit sa pagkakayakap sa akin itong si Zayn at ayun na nga... Sinalubong na nga siya ng mga makukulit na batang ito.
Ngayon napatunayan ko na talaga na ang mga anak talaga ay malalapitin sa mga tatay lalo na 'pag may trabaho ang tatay at ang buong araw na kasama nila lagi ay 'yung mga nanay nila.
“Daddy! I’ve missed you soooo much!" Bungad ni Zyril sa kanya at niyakap naman niya ng mahigpit ang daddy nila. Binuhat naman siya ni Zayn kasabay naman ng pagyakap ni Ziekke sa kanya, “Buti maaga kang dumating Daddy!” Salubong na bati naman ni Ziekke kay Zayn.
Hay nako. Nakakapangselos talaga silang tingnan, “Oh. Wait lang kids. Mamaya ko na muna ibibigay sa inyo ang mga pasalubong ko ah. May dala kasi akong bago niyong katulong. Halika na...” Binaba na muna ni Zayn si Zyril at saka pinapasok niya ang bagong katulong daw. Wow. Instant ah. Mayroon na pala agad kaming katulong eh parang kanina lang iniisip ko na kailangan na nga talaga namin ng katulong.
Lumabas na ang katulong na dala ni Zayn. Medyo bata ang edad. Mga nasa 20s pa lang siguro ang edad nito, “Ako po si Maricel.” Pakilala sa amin nung katulong.
Ngumiti si Zayn, “Kaya nga kinuha ko agad siya. Malapit kasi sa pangalan ng mommy niyo. MARIE-cel.” Hindi ko alam pero parang biglang sumama ang aura ko sa bago naming katulong ah.
“'Yow ate. Ziekke ang name ko.” Pakilala ni Ziekke.
“Hello po! Ako naman po si Zyril.” Nakangiti namang pakilala ni Zyril.
Lumapit sa akin si Zayn at inakbayan ako, “And this is my wife. Marie. Call her, Ynah. Or Ma’am Ynah will be better. Siya ang kadalasang makakasama mo dito sa loob ng bahay na 'to. At saka Mmy, pumayag naman siya sa offer nating sweldo sa kanya na 5k every month.” Sabi sa akin ni Zayn.
Nagkibit balikat ako. 5k? Eh ang maximum na sweldo nga lang ng mga katulong ay 3.5k ang month. Pero, kunsabagay, okay na rin 'to dahil medyo malaki laki naman ang bahay namin. Puwede pa naming isobra ang sweldo niya para lang mabayaran namin ang buhay niya. Charot. Joke lang. Medyo na-stressed lang ako bigla.
“Hi po, Ma’am Ynah. 24 years old pa lang po ako, galing po ako sa Negros. Maraming salamat po at tinanggap niyo po ako, pagbubutihin ko po talaga ang trabaho ko dito.” Pagkasabi ng katulong na 'yun, ay bigla siyang nag-bow sa harapan ko.
“T-teka. May lahing Japanese o Korean ka ba?” Tanong ko sa kanya.
“Naku po, hindi po. Sanay lang po talaga akong ginagalang nang sobra ang mga nagiging amo ko.” Nakangiting sabi nito sa akin.
“Kaya nga Mmy siya ang nakuha ko eh. Hindi lang mukhang masipag kundi marespeto rin pala.” Sabi naman sa akin ni Zayn.
Ningitian ko na lang sila. Hindi ko alam pero biglang nakaramdam ako ng bad vibes sa bago naming maid. Papalitan ko nalang kaya siya? Hmm. Kaso mayayaman na ang mga katulong ngayon. Nahihirapan na rin kami maghanap.