Isang linggo na ang nakakaraan nang makasagupa nina Rava at Nina ang Kronos na si Juno. Bagamat nagkaroon na ng lakas si Nia maging si Basakara ay hindi siya hinahayaan ng lahat na gumawa ng trabaho. Masayang masaya si Inna sapagkat nagkaroon siya ng ibang makaktulong lalo pa't sa nakaraang linggo ay mas dumami ang mga manlalakbay na nadadayo sa kanyang lugar. "Leo! Kailangan na natin ng panggatong," sigaw ni Inna mula sa likod bahay kung saan nakalagay ang patong patong na kahoy na panggatong. Lumapit si Leo na abala sa pagsasampay ng mga basahan kanilang gamit sa paglilinis sa mga mesa. Lumapit siya upang tignan ang mga natira. "Sige. Ako na ang bahala r'yan." Tinapon niya ang basahan sa ulo ni Inna na ikinagalit ng dalaga. "Ano ba 'yan?! Ang baho nito! Marunong ka ba talagang maglaba

