Naririnig ni Nia ang lahat ng kaguluhan. Hindi man niya nakita o narinig ngunit alam niyang si Konad ang sumubok na saklolohan siya. Hindi niya magawang hugutin ang kanyang Karisma dahil sa pagkakatali ng kanyang mga kamay. Imposible rin ang pagsigaw sapagkat nakatakip ang kanyang bibig. May malay man ay hindi pa rin niyang nagagawang makakilos nang maayos lalo pa't may kung anong ipinalanghap sa kanya nang mabihag siya ng hindi pa niya nakikitang mga indibidual. Ramdam ni Nia ang malikot na hampas ng alon sa kanyang sinasakyang bangka. Labis ang kanyang kagustuhang makatakas ngunit ang paghihina ng kanyang katawan ay pumipigil sa kanyang nais. Pilit man niyang tawagin si Basakara sa kanyang isip ay hindi umaabot ang kanyang hiling na napipigilan ng kakaibang awra na nakapalibot sa kata

