Chapter 112

1813 Words

Tumalim ang mga ngiti ni Esul sa pagbalot ng kadiliman sa kanyang pagkatao. Ang mga ugat niya ay halos pumutok na sa kanyang balat. Kitang kita ito mula ulo niya hanggang paa. Ang dibdib nito na kung saan nagmula ang marka ng kadiliman ay nabalutan ng kanyang mga buto. Humahalakhak si Esul nang tumingin ang mga matatalim niyang mata kay Nia. "Isang ganap na alagad ng kadiliman!" Hindi maitago ang takot sa mga bituwin ni Nia nang makita ang tuluyang pagbabago ni Esul sa kanilang harapan. Ang takot na nararamdaman ng mga mamamayan sa kanilang pinuno ay lalong lumalim nang makita nila ang nakakatakot na pagbabago hindi lamang sa itsura ni Esul kundi maging sa kanyang pagkatao. Ang kapangyarihang itim na umaapaw sa katawan ni Esul ay kanyang isinigaw na naging dahilan upang sumabog ang kahi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD