Taimtim na nakatingin si Nia sa malaking pinto sa kanyang harapan na may mga ukit na nagpapakita ng iba't ibang larawan. Minabuti ni Tandang Bashra na isama na ang dalaga sa sagradong silid na kung saan nakapaloob ang lahat ng mahahalagang bagay na kanilang dinala sa pag alis sa Orerah noon. "Sa likod ng pintong ito mas makikilala mo ang pamilya mo." Nakahakbang paurong si Nia. Hindi niya alam kung bakit pero tila hindi pa siya handa na makilala ang mga magulang na no minsan ay hindi niya nakilala kahit man lang sa mga larawan at kuwento. "Nararamdaman kong nag aalinlangan ka." Puna ni Tandang Bashra. "H-hindi ko po kasi alam kung handa na ba ako." Napayuko si Nia. Bakas hindi lang ang pag aalala sa mukha niya kundi maging ang lugkot na kanyang nararamdaman. "Wala akong alam tungkol

