Nilundag ni Leo ang mahabang pasilyo upang agad marating ang kinalalagyan ni Rava at Almira. May kalayuan man ito sa kanila ay alam niya ang postura at ngiting nakaguhit sa mukha ng dalaga. Agad niyang hinila si Rava at inilayo sa dalaga. "Hindi na uumbra ang mga galawa mo, Almira. Mas mabuti pang makipag tulungan ka na lang sa amin nang hindi ka na masaktan pa." "Masaktan? Sinaktan mo na ako, Leo noon pa! Inakala kong mababago ko ang isip mo. Pero kahit anong gawin ko ay ayaw mo akong papasukin sa buhay mo!" Umupo si Leo upang matignan ang dalaga mata sa mata. "Dahil hindi ang tulad mo ang nababagay kahit kanino man. Makasarili ka. Pag aralan mo munang isipin ang iba bago ang sarili mo. Baka sakali, may mahanap kang tatanggap sa ugali mo." Tinalikuran ni Leo si Almira at nilakad ang p

