"Saan mo nakuha ang mga markha sa kamay mo?" Hindi man nakikita ni Nia ang lalaki alam niyang seryoso ito sa tanong na para bang may alam ito tungkol sa mga markha. Ngunit pumasok sa isip ni Nia na maaaring isa ring Kusai ang lalaki at maaaring may balak itong kunin ang kanyang karisma. Bahagyang lumayo si Nia sa kanya. "Kailangan kong makalabas ng buhay rito. Kapag nailabas mo ako ng buhay sa lugar na `to, sasabihin ko sa `yo kung saan ko galing ang mga markhang ito." Alam ng lalaki ang pasikot sikot ng minahan na siyang naging tahanan niya simula pagkabata palang. Tintratong malas ang pamilya ni Konad nang isinilang siya labing siyam na taon na ang nakakaraan. Simula nang sisilang si Konad ay nagsunod sunod ang kamalasan naranasan ng Bayan ng Menia. Nagsira ang mga pananim ilang minut

