Mabilis na tinakbo ni Vexx ang kapwa bituwin na lumalaban. "Hindi maaaring gamitin ni Nomal ang lakas mula sa tagong liwanag. Sasabog ang buong Daestre," aniya. Hindi man alam ni Leo ang tungkol sa tagong liwanag ay nakikita niya ang lakas na iniipon ni Nomal. "Labanan natin siya nang sabay. Gagawa ako ng harang." "Pasabugin natin siya sa sarili niyang kapangyarihan." Kapwa ngumiti ang dalawa sa magandang planong kanilang naiisip. Sa kanilang muling paghihiwalay ay pumpwesto ang dalawa sa magkabilang gilid ni Nomal. Upang bulangin pansamantala ang kalaban ay pinaikutan ni Vexx ng apoy ang paligid ni Nomal na siyang gumawa ng makapal na usok. Agad na ipinamalas ni Leo ang kapangyarihan ng kanyang Karisma at gumawa ito ng bilog na kanyang ipinalibot kay Nomal. Sa mga oras na iyon ay siy

