Matarik man ang pinakamataas na bundok na matatagpuan sa Daestre ay matagumpay na naakyat iyon ni Zenon sa tulong na rin ng kanyang kapangyarihan. Gamay man ang pagpapagawa ng hangin ay kinakalaban ito ng malakas na hanging bumabalot sa palibot ng bundok. Sa tuktok nakatayo ang estatwang bato na may ukit na simbolo ng hangin. Nakangiting lumapit si Zenon sapagkat nananatiling tulog pa ang naka imbak na liwanag. Hinugot niya ang kanyang Karisma at akmang bubuksan ang bato nang bigla na lamang umihip ang hangin na naging ipuipo. Ang ipuipo ay lumapit sa kanya dahilan upang matigilan si Zenon sa kanyang ginagawa. Sa mabilis na pag ikot ng hangin ay namangha si Zenon sapagkat may kung ano itong naaaninag sa loob nito. Laking gulat niya na sa paglinaw ng imahe ay nakita niya ang sarili niya.

