Maingay ang sumunod na umaga na gumising kay Nia. Rinig na rinig niya si Zenon na humahaklak sabay sa mga hagikgik ng mga kababaihan. Bahagyang tumayo si Nia. Nakita niyang may kasamang dalawang babae si Zenon habang kausap ang iba pang bituwin. Bagamat nakapag pagaling na si Nia ay nanghihina pa ang kanyang mga paa. Gayunpaman ay pinilit niyang tumayo. Narinig ni Rava ang kaluskos ni Nia na agad niyang pinuntahan at inalalayan nang kanyang lingunin ito. "Anong nangyayari?" nagtatakang tanong ni Nia. "Nakahanap ng kakilala si Zenon. Sinasabi nila na may lugar pahingahan na rito para sa mga manlalakbay." Kumaway si Zenon kay Nia nang makita ito. "Nia! Magandang balita! May matinong lugar na tayong mapagpapahingahan! Masayang bakasyon na ito sa wakas!" masaya nitong tungon. "Bakasyon?"

