CHAPTER THREE

2437 Words
Skye Alvarez's POV: What the fcking heIl?! Did I just slept with my art Professor? Pero bakit iba ang porma at itsura n'ya? Hindi ko s'ya nakilala! Hindi n'ya rin suot-suot ang makapal at itim n'yang salamin. Mas lalong nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa kan'ya. Don't tell me.. "Are you pretending to be a nerd Professor?" Hindi makapaniwala kong tanong. Lahat ng pinakita n'ya sa University ay hindi totoo! Hindi s'ya mahiyain at panget kung hindi isang flirty na gwapo. Oh my god. Anong gagawin ko? Accidentally kong nalaman ang sikreto ni Professor Zyro. Hindi ako mapakali. Masyadong naguguluhan ang utak ko. Idagdag mo pa na nakipagtalik ako sa kan'ya! Pag may nakaalam nito, paniguradong katapusan na namin. Napahawak ako sa buhok ko at napasigaw. "Damm!!" Bakit nga ba 'to nangyayari sa akin ngayon? * "Congratulations, Ms. Skye Alvarez for getting a perfect score in the project!" Pumalakpak si Ms. Dawn pati na rin ang mga classmates ko. Tumayo ako at ngumiti sa kanila. Sa wakas ay nagbunga din ang isang linggo kong pagkukulong sa kwarto at paggawa ng project. Masarap sa pakiramdam na nasa akin ang atensyon nilang lahat at mataas ang tingin nila sa'kin. I'm Skye Alvarez, twenty-two-years old, maganda, matalino at isang art student sa Eastview University. Isa sa pinakasikat na University sa bansa. Mayaman ang pamilya ko kaya hindi mahirap sa akin ang makapasok dito. Besides, matalino din ako. Walang dahilan ang Eastview University para i-reject ako. "Thank you, Ms. Dawn," nakangiti kong sagot tapos ay umupo na. Sakto namang tumunog ang school bell. "Our time is up." Binaba ni Ms. Dawn ang papel na hawak. "Goodbye, Class!" "Goodbye, Ms. Dawn!" Paalam namin sa kan'ya. Nagligpit na kami ng mga gamit at pagkalabas ng Professor namin ay mabilis na lumapit sa akin sila Rika at Cassie na bestfriends ko. Nakangiti ang mga ito. "Oh my god, girl!" Marahan akong hinataw ni Rika sa braso. Rica Mae Klarez, twenty-two-years old, pumapangatlo sa klase, mayaman din ang pamilya n'ya at kilala s'ya bilang isang playgirl sa University namin. Marami na s'yang napaiyak at hanggang ngayon ay hindi parin s'ya tinatamaan ng karma n'ya. "You got perfect scores in all of our projects," hindi makapaniwala na wika ni Cassie. "Are you still alive? Okay ka pa ba?" Cassie Gaice, twenty-two-years old, panglima sa klase, mayaman at kilala rin ang pamilya n'ya. Isang sikat na badminton player si Cassie at magaling ito magluto tulad ng mga magulang n'ya na sikat na chefs. "Ano pa bang ine-expect n'yo sa'kin?" Umirap ako sa kanila sabay ngumiti tapos ay sinuot ang bag. "Hello, I'm Skye Alvarez. Always perfect sa exams, quizes, and projects. No one can defeat me." "Is that the new released limited bag?" Napatingin silang dalawa sa branded kong bag. "Of course!" Pagmamayabang ko sa kanila at ngumiti. "My mom helped me to get this one. It's so pretty!" Pinagmasdan ko ang bag na binili ni Mom para sa akin. "Advance gift n'ya na din to sa'kin ngayong semester." "Gosh! Gusto ko na din ng bagong bag," nakangusong sambit ni Rika. "Anyways, hinahanap ka ni Ash," wika ni Cassie habang nakatingin sa phone n'ya. "Isang linggo na daw kayo hindi nakakapag-usap ng maayos at iniiwasan mo s'ya." "Uh-oh, looks like may mag-aaway mamaya," Singit ni Rika habang nakangisi ito at marahan na umupo sa table ko. Napabuntong hininga na lang ako at kinuha ang phone. Nakita kong maraming missed calls at messages si Ash sa akin. Well, it's true na isang linggo na nga kami hindi nakakapag-usap ng maayos dahil busy ako sa studies ko. Sigurado akong nagtatampo na naman ang isang iyon, or worst, galit. "It's time para bumawi sa kan'ya," ngumiti ako sa kanila. "Mauna na ako. Pupuntahan ko pa si Ashy my babes." Nakita kong napangiwi sila dahil sa tawag ko kay Ash. Napatawa na lang naman na ako at nauna nang lumabas ng classroom. Habang naglalakad sa hallway ay nakatingin ako sa phone ko. Sinisubukan kong tawagan si Ash pero hindi ito sumasagot kaya naman nag-message na lang ako dito na pupuntahan ko s'ya sa classroom n'ya at sabay na kaming umuwi. Mahirap pa naman s'yang suyuin. Goodluck na lang sa akin. "Ah, sht." Natigilan ako nang may makabangga ako at napaupo sa sahig. Napatingin ako sa limang libro na nalaglag sa harapan ko. Mabilis kong inangat ang tingin at nakita ang lalaking may suot na itim at makapal na salamin. Mahaba din ang itim nitong buhok kaya naman hindi ko gaano makita ang mata n'ya. "O-okay ka lang?" Tanong n'ya sabay umupo at kinuha ang mga libro tapos ay nilahad ang kamay sa akin. Napakunot ang noo ko dahil ngayon ko lang s'ya nakita dito sa University. Transferee ba s'ya? Tinignan ko ang ID na suot n'ya at mas lalong napakunot ang noo ko nang makitang Professor pala ito. Mukhang bago lang s'ya dito. "Yes. I'm okay," sagot ko sabay tumayo nang hindi tinatanggap ang tulong n'ya. Marahan s'yang tumayo at medyo nalula ako nang makitang sobrang tangkad pala nito. Hanggang braso n'ya lang ako. "Zyro!" Napalingon ako sa tumawag sa kan'ya at nakita si Ms. Bianca. Isa ring guro dito sa University at Professor ko sa Art History. Mabilis s'yang naglakad papalapit sa amin. Napansin kong napapatingin na din ang iilang estudyante sa amin na dumadaan sa hallway. "I've been searching for you everywhere," nakasimangot na sabi ni Ms. Bianca nang makalapit ito. Mukhang kanina pa n'ya hinahanap itong bagong Professor. "I'm sorry, naligaw lang ako," mahinang sagot naman ng Professor sabay yumuko. Nakita ko namang napatingin sa akin si Ms. Bianca. Biglang naging seryoso ang mukha n'ya. Nakalimutan ko pa lang sabihin na si Ms. Bianca ang pinakamasungit at strict na Professor sa Eastview University. Maraming babaeng estudyante ang may ayaw sa kan'ya pero halos lahat naman ng lalaki sa amin ay may crush sa kan'ya dahil maganda naman talaga s'ya at maganda din ang katawan. "Good afternoon, Ms. Bianca." Tumango ako sa kan'ya at ngumiti. "Good afternoon," malamig n'yang sagot. "What happened here?" "Accidentally na nagkabungo po kami ni Sir-- uhm," napatigil ako dahil hindi ko alam kung ano ang itatawag sa bagong Professor. "Zyro Herman." Napunta ang tingin ko sa kan'ya nang magsalita s'ya. Nakikita ko na rin ng maayos ang mata n'ya dahil deretso ang tingin n'ya sa akin ngayon. "--Sir Zyro," tuloy ko sa sinasabi ko kay Ms. Bianca. "Oh, right. He's not familiar here. Bago pa lang kasi s'ya," paliwanag ni Ms. Bianca. Hindi ko alam kung anong mayroon sa mga titig ni Sir Zyro. Hindi ko magawang alisin ang tingin sa mga itim n'yang mata. Parang may kung anong nanghihila sa akin dito. Hindi ko magawang kumawala. "It's not good na tumambay sa hallway. You should go home now, Skye." Nang magsalita si Ms. Bianca ay sa wakas naputol ko din ang pagtitig ko kay Sir Zyro. "I hope this will not happen again. Nasa school rules na bawal magtagal at tumambay sa hallway." "Sorry, Ms. Bianca." Tumango na lang ako at napangiwi. First time kong mapagsabihan. Hindi naman ako tumatambay dito sa hallway. Alam n'ya namang nagkabungo kami ni Sir Zyro. "Let's go, Zyro. Hinahanap ka ng Principal," tawag ni Ms. Bianca sa bagong Professor. Hindi ko na binalik ang tingin kay Sir Zyro at nag-iwas ng tingin. Nang maramdaman kong naglakad na sila papalayo ay tsaka ko lang s'ya ulit pinagmasdan. Habang papalayo s'ya ay napansin kong malapad ang shoulder n'ya. Matangkad s'ya at maganda ang katawan pero isang nerd na Professor. Naka-tuck in ang dark green na polo n'ya sa brown na trousers at lumang design ang sapatos n'ya. Hindi ko alam na nage-exist pa pala ang mga ganitong nerd. Pero nerd ba talaga s'ya? Nanliit ang mga mata ko at inalala ang malalim n'yang titig sa akin kanina. Alam kong may kakaiba doon. Parang hindi tugma sa kasuotan at itsura n'ya ang titig n'ya kanina sa'kin. "Ugh, Skye. Nagsasayang ka lang ng oras," mahinang sambit ko sa sarili at napailing na lang. Mabuti pa at puntahan ko na si Ash. Baka mamaya ay hindi ko s'ya maabutan sa classrom n'ya. "Ash!" Tawag ko kay Ash nang makita s'ya sa loob ng classroom habang nakikipagtawanan sa mga kaibigan n'ya. Natigilan sila at sabay-sabay na napalingon sa akin. Nakita ko namang nawala ang ngiti sa labi ni Ash at mabilis na nag-iwas ng tingin. Mabilis akong pumasok sa loob nang masiguro ko na wala na ang Professor nila dito. "Wooho! Look who's here," sambit ni Lira habang nakaupo sa table na katabi ni Ash. "Tama na ang tampo boy Ashie, nand'yan na ang girlfriend mo!" Rinig kong sabi pa ni Timothy habang tumatawa. "What's up, Ms. Popular?" Bungad sa akin ni Ethan sabay tumayo. "It's been two weeks since your last visit here." Umirap ako at nilaktawan s'ya. Hindi ko alam kung bakit nakikipagkaibigan si Ash sa mga ganitong tao. Hindi ko gusto ang ugali nila. "Let's go. Sabay na tayo umuwi." Huminto ako sa tapat ni Ash. Nakaupo lang s'ya at tinaas ang tingin sa akin. "Mauna kana. Mamaya ako." Napabuntong hininga ako. Ramdam kong napapatingin na rin ang iilang classmates n'ya sa amin. "Maglalaro kami sa computer shop, wanna join us?" Alok ni Lira habang may lollipop ito sa bibig tapos ay ngumiti sa akin. "No thanks. Ash will go home with me." Ngumiti din ako sa kan'ya tapos ay kinuha ang bag ni Ash pero mabilis n'ya itong hinawakan kaya naman napakunot ang noo ko. "I will play with them." Binawi n'ya ang bag n'ya. Narinig kong nagbulungbulungan ang mga kaibigan n'ya kaya naman napapikit ako ng madiin at huminga nang malalim. Konting pasensya para sa mga kaibigan ni Ash, Skye. Kaya mo ito. "Let's talk." Hinawakan ko si Ash sa kamay tapos ay tinitigan s'ya sa mga mata. Nakita kong napalunok s'ya. Inalis n'ya ang pagkakahawak ko sa kamay n'ya tapos ay tumayo ito at sinuot ang bag n'ya. Nakita kong napakunot ang noo ng mga kaibigan n'ya kaya naman napangiti ang dulo ng labi ko. "I'll go home first. Susunod na lang ako sa inyo," sabi ni Ash sa kanila tapos ay humarap sa akin. Kinuha n'ya ang bag ko at nauna itong maglakad papalabas ng classroom. Tinignan ko si Lira at ngumiti sa kan'ya bago mabilis na lumabas ng classroom. Tumabi ako kay Ash para makasabay s'ya pero mas binibilisan n'ya ang paglalakad n'ya kaya naman napapatakbo na lang ako. "Ash, listen to me. I'm sorry," sabi ko habang naglalakad kami. Hindi s'ya sumagot at nanatiling tahimik lang. Siguro ay sa kotse ko na lang s'ya kakausapin. Marami pa kasing estudyante sa hallways at campus. "Skye!" Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita si Ate Floryn at Kuya Dominic. Napahinto kami ni Ash at lumapit ang dalawa sa amin. Nakakasama ko sila tuwing may Student council meeting. Ano kayang kailangan nila? "Hello, Ate Floryn and kuya Dominic." Ngumiti ako sa kanila. "Pauwi kana ba?" Tanong ni Ate Floryn. "Uhm.." napalingon ako kay Ash. Nakita kong masama ang tingin nito sa akin sabay nag-iwas ng titig. "Bakit?" "May kailangan kasing ayusin sa event for next week," sagot sa'kin ni Kuya Dominic. Napangiwi ako nang maalalang may art exhibit nga palang magaganap sa University namin next week. Napag-usapan at naayos na namin ito last last week. Mukhang may problema pa. "Free kaba ngayon?" Tanong ni Ate Floryn tapos ay nakita kong napatingin ito kay Ash kaya naman napalingon ako sa kan'ya. "Tsk." Biglang naglakad na lang si Ash papalayo kaya naman binalik ko ang tingin kila Ate Floryn. "Ahm.." napakagat ako sa labi dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin. Importante ang event next week dahil invited ang mga outsiders. Naglo-look forward din dito ang mga Professors at Principal. Invited din ang mga iilang sikat na artist. "I'll talk with Ash first. Anong oras ba kayo uuwi?" "Uhmm." Tumingin si Kuya Dominic sa itim n'yang relo. "Maybe around 6?" "We can meet na lang ng 7 para makapag-spend kayo ni Ash muna ng time." "Let's do that, Ate Floryn." "Alright, coffee tea hot tayo." Ngumiti ako sa kanila tapos ay mabilis nang naglakad papunta sa parking area. Sigurado akong nasa kotse na si Ash. Sana lang ay hindi n'ya ako iniwan. Nang makita ko ang puting kotse n'ya ay narinig kong nakabukas na ang makina nito. Nanlaki ang mata ko at mabilis na tumakbo papalapit dito. Mukhang iiwan nga na naman ako nito! "Ash!" Sigaw ko sa kan'ya sabay kumatok sa bintana ng kotse at sinubukan itong buksan pero naka-lock. Nakita kong malamig ang tingin n'ya sa'kin at nakahawak na ito sa manubela kaya naman napayuko na lang ako. Alam kong nawalan ako ng oras sa kan'ya dahil busy ako sa pag-aaral at sa mga meetings. Pero wala naman akong choice dahil kailangan kong gawin ang mga iyon. Biglang tumigil ang makina ng kotse kaya naman napaangat ako ng tingin at nakitang hindi na nakahawak si Ash sa manubela. Nakayuko lang s'ya. Mabilis ko namang binuksan ang pintuan at niyakap s'ya. "I'm sorry, Ash," umiiyak kong sambit sa kan'ya. "I'm really sorry." "Stop crying," mahina n'yang sabi sabay pinunasan ang luha ko. "It doesn't suit you." Bakas sa boses n'ya na naiiyak din s'ya. Umiling ako at mas hinigpitan ang yakap sa kan'ya. "I promise, babawi ako." Kumalas ako sa yakap at hinalikan s'ya. Nang maramdaman kong tinugon n'ya ang halik ko ay napangiti na lang ako ng kaonti at gumaan ang pakiramdam ko. Humiwalay ako sa pagkakahalik at tumingin sa paligid. Nasa dulo na parte kami ng parking area. Walang gaanong nagpa-park dito dahil tamad maglakad ang mga estudyante. Hinila ko ang necktie ni Ash at hinalikan s'ya ulit. Naramdaman kong ngumiti ang labi n'ya kaya naman mas pinalalim ko ang halik. Umupo na rin ako sa lap n'ya at pinatong ang mga kamay ko sa batok n'ya. Naramdaman ko na lang ang kamay n'ya sa baiwang ko. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng kumakawala na mga paru-paru sa tyan ko dahil dito. Kahit anim na taon na kami, hindi parin nawawala ang kilig ko sa kan'ya. S'ya parin talaga ang gusto ko. Bumaba ang halik n'ya papunta sa baba ko at leeg kaya naman napadiin ang hawak ko sa braso n'ya dahil sa kiliti na nararamdaman. Tumingin s'ya sa akin at nang subukan n'ya akong halikan ay nilayo ko ng kaonti ang mukha ko. "Still going to play with your friends?" Tanong ko. "No. I chaged my mind, Skye." Ngumisi s'ya at marahan na hinawakan ang necktie ko tapos ay inalis ito. "I'm going to play with you tonight." Inalis n'ya na rin ang botones ng blouse ko sabay hinalikan ko s'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD