Lira Drowena's POV: Nakaupo lang ako sa kama habang tulala. Kanina ko pa sinusubukang tawagan si Ash but he's not answering his phone. Nang marinig kong bumukas ang pinto ay napatingin ako rito at bumungad sa akin si Skye. Nang magkasalubong ang tingin namin ay mabilis s'yang nag-iwas ng tingin. She probably still hate me at mas lalo lang lumala dahil sa nangyari kagabi. Nakita kong dumiretso s'ya sa cr. Kinuha ko muli ang phone ko at sinubukang tawagan si Ash pero wala paring sumasagot hanggang ngayon. Nag-message na din ako sa kan'ya pero kahit seen ay wala. Maya-maya ay nakita kong lumabas na si Skye sa cr. She's already wearing her sleepwear. Umupo s'ya sa gilid ng kama habang nagpapatuyo ng buhok. Napalunok ako habang iniisip kung tatawagin ko ba s'ya. Pakiramdam ko ay may nak

