One Year Later Masaya ako at nakabalik ako muli rito sa building na ito.I'm grinning ear to ear. Excited na makita ang taong matagal ko nang nais makita. Deuce It's been one year since I left him. Sinunod niya ang pakiusap ko sa kanya na wala kaming communication sa loob ng isang taon. Namiss ko siya nang sobra. I felt helpless that time and anxious. Pakiramdam ko noon ay hindi ako nababagay kay Deuce. Doon ko lang naramdaman na malayo ang agwat namin. Dagdag pa noon na hindi ako nakalakad kay sobrang down na down ako. Iniwan ko si Deuce noon dahil natakot ako. Natakot ako sa mga bagay na hindi ko alam kung saan nanggagaling. I want him to live his life the way he should be. Hindi iyong parang nakatali na siya sa 'kin. Pinilig ko ang ulo ko sa isiping iyon. Ayaw kong mag-isip ng hi

