THEA I WAS surprised to see Patricia again. We accidentally bumped into each other while I was buying some stuff at the mall. Kanina ko pa hinihintay si Dave, magkikita kasi kami. Ilang araw iyon hindi nagpapakita sa 'kin after he knew na alam ko na ang totoo. Ang sarap pilipitin ng leeg. Kapag naiisip ko talaga kung paano ako nagmukhang tanga ng araw na nalaman ko na may asawa na si Deuce, nagdrama pa ako sa park. Nakakahiya talaga! Akwardly, she smiled at me. "Hi... Thea. Nice seeing you again," bati niya sa 'kin. She looked at me from head to toe. Nakaramdam ako nang pagkadisgusto sa ginawa niya. So, I rolled my eyes at her. "Hey, hindi ako nakikipag-away, okay?" Wow... Hindi pa sa lagay na 'yon, huh? "Yeah, hindi nga. Kung ano-ano lang ang sasabihin mong hindi maganda, parang ugal

