THEA Inis na napatingin ako sa nang-gulo ng buhok ko mula sa likuran ko.Para bang ginawa akong aso. "Ano ba!" tumawa naman si Dave pagkaupo harapan ko. Inismiran ko siya."Akala mo ba ako si Finn?" mataray kong pagbibiro sa kan'ya. Andito na naman siya. Wala ba itong pasok? Pagala-gala na lang siya kung saan. Tumawa ito."Look at yourself," sabay turo niya sa akin,"Kamukha mo na nga si Finn." I raised my eyebrow."Really Dave? Pumunta ka ba dito para asarin ako?" He shook his head."No. Namimiss ko lang ang dalawa kong kaibigan. Simula ng naging kayo, aba hindi na kayo mahagilap. Masyadong kayong masaya at nakakalimot?" pang-aasar niya. I pout my lips for what I've heard. Yes, masaya kami pero hindi pa rin maiwasan na may mga tao talagang hindi nagiging masaya kapag masaya ka. Pa'no n

