ISANG linggo ang itinagal ng charity drive ng sorority nila Kate. At araw-araw na hindi pumapalya sa pagpunta si Dave. Nagsasama pa ito ng mga kakilala. Dahil natural na friendly at gwapo rin naman, madaling nakasundo ni Dave ang mga kaibigan ni Mary at ibang miyembro ng sorority. Sa katunayan nagulat na lang siya nang sa huling araw ng charity drive ay puntahan siya ni Kate sa Art building. “Sismars!” Tili nito habang papasalubong sa kaniya. “Kanina pa kita hinihintay!” Kunot ang noong nilingon niya ito bago nagpatuloy sa paglalakad. “Bakit? Anong meron?” Pagmamaang-maangan ni Mary. Kahit ang totoo, alam na niya ang dahilan bakit dumayo pa talaga ito sa building niya. “Anong bakit?” Nakataas ang isang na sumabay ito sa paglalakad niya. “Last day ng charity drive ngayon! At huwa

