"Now, ano yong sasabihin mo sa akin, anak?" Pagbubukas ng Mommy niya ng paksa nang magkatabi na sila sa sofa. Kahit mas naintriga sa nais rin nitong sabihin, malumanay na sumagot si Mary. "Magbabakasyon na po next week di ba, Mommy?" "Oo, bakit? Gusto mo bang magbakasyon out of town? Bukas na bukas magpapareserve ako. Or you want to go to Baguio!” Naningning ang mata ng Mommy niya. “Tama! Summer so, perfect ang weather sa Baguio! Pwede rin tayo sa Korea! Kaso nga lang, aasikasuhin pa pastport mo..” Alanganing napangiti si Mary. Masyado na kasing malayo ang nilakbay ng isip ng Mommy niya. Though, na-excite rin naman siya sa mga plano nito. Noon kasi nakakapag-bakasyon lang sila ng Papa niya kapag inimbita sila ng Tiyahin nito sa probinsya. “Okay na po ako rito sa condo ngayong bak

