PAGPASOK sa dining area, parang may malaking family gathering na nagaganap roon. Masayang nagsasalo sa pananghalian ang lahat. Kumpleto ang pamilya ng dalawang partido. Ang saya-saya ng lahat, kabaligtaran sa nararamdaman ni Mary. Pasimple niyang sinulyapan si Duke na nakaupo sa kaniyang harapan. Hindi na nito itinago ang disgusto sa anyo. Who wouldn’t? Bukod sa nanadya si Mark na halos subuan na siya sa pag-kain at maging sa pagpupunas ng napkin sa gilid ng labi niya kahit wala namang dumi— He monopolized the whole conversation that mainly focused on their wedding. He really showed his true color. Ang galing-galing nitong aktor. No wonder, kuhang-kuha ang loob ng mga magulang nila. Kaya naman lalong nagdidilim ang anyo ni Duke. She could see how much he wanted to punch Mark in the

