MAINGAY ang tumutugtog na music mula sa malalaking sound system sa tabi ng platform. Kaliwa't kanan ang pagkislapan ng mga camera. Maririnig ang masayang tawanan at huntahan ng mga guest. Pagkatapos ng meeting na pinuntahan ni Duke, dumiretso siya kasama ang iba pang business colleague sa events place kung saan kasalukuyang ginaganap ang isa sa mga lauching ng produkto nila. Everyone was enjoying the party, some were doing business. Kabi-kabilaan ang pagpapalitan ng calling card. Maliban kay Duke na tipid na tango at napipilitang kamayan ang mga guest na lumalapit sa kaniya upang i-congratulate siya. Bukod sa hindi naman siya talaga sociable na tao, pagod at gusto na niyang bumalik sa hotel room, para makapag-videocall na mag-iina. Isang araw pa lang siyang nahihiwalay sa mga ito,

