Valentine's POV Kung may 2000 mL na D5W na i infuse over 8 hours. So bale yung kada oras ng pasyente ay 250 mL. Nagsosolve ako ngayon ng comprehensive review sa Pharmacology namin especially sa Drug Calculation. Ngayong patay na si sir Martin hindi na masyadong nagtuturo yung gurong bwakanang kung maka bigay ng review sheets wagas. May narinig akong pagbukas ng pinto sa labas. Sinarado ko muna ang libro at saka bumaba. Baka sila nanay Andrea yung dumating galing palengke. Gutom na gutom na kasi ako. Wala pa naman sila mommy at Kania kaya walang magluluto.. Opo hindi ako marunong magluto. Si Victoria masarap magluto. Pero ako sinubukan ko ilang beses yung kusina na talaga ang bumigay. Ayaw sa akin. Pababa palang ako ng hagdan pero nakita ko na yung bulto ng tao na parang nagnininja

