Victoria's Point of View " Lumayas ka sa harap ko Azithere." Sabi ko habang nakabusangot na ngayon " What did I do again?" Kakamot kamot nyang sabi sakin. Actually wala naman talaga. Gusto ko lang na maiwan ako sa loob ng national bookstore para hindi nya marinig ang usapan namin ni Alpha. " Gusto kong bumili ng payapa." Sabi ko " Can I atleast just tag along with you?" Tanong nya " Hindi ako tatakas kung yan ang iniisip mo." Inis kong sabi sakanya. Please lumayas kana sa harap ko. Bumuntong hininga sya at saka binigay sakin ang black card galing sa wallet nya. " Tap everything you buy here. It's on me. I'll be waiting here outside." Sabi nya. Tumango lang ako at saka pumasok. Kumuha ako ng cart at pumasok sa loob. Nandito nalang din naman ako edi bibili nalang talaga ako. Sinad

