Agatha woke up in Alfonso’s arms. And among all the mornings she had, this is one of the most beautiful ones. Kaygaan ng loob niya at kay init sa puso. Marahan siyang lumanghap ng hangin bago mas sumiksik sa katawan ng lalaki. Ibinaon niya ang mukha niya sa dibdib nito bago niya ito niyakap nang mahigpit. Gumalaw na rin ang lalaki at niyakap siya pabalik. Ikinulong siya nito sa maskuladong mga braso nito. “Good morning, babe,” bulong nito sa kanya bago niya naramdaman ang paghalik nito sa buhok niya. “Good morning, Alfonso,” sagot niya at hindi napigilang mapangiti. Alfonso’s lazy, morning voice is such a music to her ear. “Alfonso?” tugon nito bago siya marahang itinulak. “Did you just call me Alfonso?” “Oo?” alanganing sagot niya rito. Hindi niya kasi alam kung ano ang ibig nitong sa

