NAKATITIG lang si Alfonso sa pinto ng banyo dahil hindi siya pinayagan ni Agatha na sumabay rito. Pero hindi ‘yon ang rason kung bakit tila tulala siya, kundi dahoil hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganoon na lang ang naging reaksyon niya kanina. He was having a good time talking with the Congressman and the others. Pero nang hanapin niya si Agatha at makita itong kausap ang mayor ng munisipyo ng Sinay ay may kung anong pumitik sa kanya na ikinasanhi ng biglaang pagbabago ng mood niya. Naiinis siya na makitang may umaaligid sa babae. He knows he’s being possessive, pero mas naiinis siya dahil alam niyang wala siyang karapatan. Agatha was right—séx slave lang niya ito at wala siyang karapatang pakialaman ang buhay nito. At isa pang rason na ikinagagalit niya ay ang unti-unti n

