KANINA pa pilit na pinapakalma ni Agatha ang nararamdaman niya. She did everything she could just so she could manage all of her emotions. She doesn’t want her mom to see her in such a pathetic state dahil alam niyang mag-aalala lang ito sa kanya. Ayaw na niyang mandamay pa ng ibang tao. She made this mess all by herself. She just wants to go home and forget about everything. Alam niyang mahirap, but she has to push herself, dahil tingin niya ay ‘yon ang kailangan niya. Ang makalimot na lang ang natatanging paraan para hindi na siya masaktan pa. Hindi niya alam kung kailan talaga maghihilom ang mga sugat na natamo niya, pero alam niyang darating ang panahong ‘yon. Sana. Nag-check in muna siya sa hotel habang hinihintay ang pagdating ng ina. Pagkapasok niya sa kanyang hotel room ay aga

