Kabanata 40: Revel

2180 Words
40 Wala akong magawa kundi manatiling tahimik. Inihimpil ko na lang ang nararamdamang pait at pilit kinalimutan ang sinabi niya. Halos hindi na mabilang kung ilang beses ko nang pinahiwatig kay kuya ang totoo kong nararamdaman. Sa tuwing taliwas sa kagustuhan niya ang mga ginagawa ko, he becomes this person. This personification of evil. Siguro nga ay tama nga ako simula una. Alam kong masasaktan ako sa tuwing lalapit kay Damian. But I was stupid. Pinilit ko talagang hawakan ang nagbabaga niyang apoy kaya ngayo'y hirap na hirap akong puksain ito. "Kuya...maraming babae sa mundo. Hindi lang ako," Hinarap ko siya. "S-sila na lang...wag lang ako," Parang wala siyang narinig nang makita kong ayusin niya ang baril sa kanyang holster. Inayos niya ang grip bago salpakan ng bala. Itinago ko ang takot na nararamdaman habang nilibot ng mata ko ang kabuuan niya. Binaba niya ang baril sa nightstand at hinubad ang panglabas na coat. Pagkatapos ay niluwagan niya ang collar band nang tanggalin ang dalawang bitones. "Ikaw ang para sa akin," Aniya sa malalim na boses. "Gusto ko ng umuwi," Tumagilid ang ulo niya at halos mangatog uli ako sa mala-demonyong kislap ng kanyang mata. Habang tahimik ko siyang pinagmamasdan, hinila niya uli palapit ang upuan at mataman akong tinitigan. "I will not stop killing, Rose," Ani Damian nang sabayan niya ang hamon ko. "And you should get used to it, dahil ako na ang uuwian mo," Kinuyom ko ang kamao bagama't naka-kadena. Saan ba talaga pupunta ang usapan namin? Mararating ba namin ang puntong malaya at walang alala niyang ibabahagi ang pamamaraan niya ng pagkitil? Kung paano niya saktan ang kanyang mga biktima? Pakiramdam ko ay nakikipaglaro ako sa isang taong walang konsepto ng tama at mali. "Y-you're like t-that...a-ako hindi," Katulad noon, tanging nakakalokong ngiti ang binaling niya sa akin bago pasadahan ang buhok. Kaharap ko siya ngayon at habang tumatagal ang aming titigan, mas lalo kong nararamdaman ang dati niyang gawi na paikutin ako sa kanyang palad na parang laruan. Tuwing maaalala ko ang panahong nakakasalamuha ko siya sa kanyang ikalawang persona na si Midnight, napapakibot ako sa galit at pagtaksil. "Some people are worth killing," Tumigil ako ng ilang sandali at umiling. "Wala kang karapatan...wala kang karapatan magdesisyon kung sino ang dapat at hindi dapat mabuhay," Nabuhay ang kapilyuhan niya sa mata. "At saan mo nakuha yan?" "K-kina mother...kina Father Francis," "Ang mga taong nangiwan sayo," He corrected. Bigla akong nakaramdam ng galit. "Hindi nila ako iniwan. I-ikaw lang ang nagsasabi n-niyan," "Ano sa tingin mo ang nangyari sa pinanggalingan mo?" Kung kanina nagagalit ako, ngayo'y mas lalo akong nakakita ng pula. "They closed down. Wala na silang pondo," Bulas ko sa kanya. Anong gusto niyang iparating ngayon? Mabilis kong iniwas ang tingin sa kanya at galit na natigagal sa sariling damdamin. "Home isn't something you can find, Rose," Hindi ko pa rin siya magawang tignan. "Ang mga taong nagmahal sayo ay binenta ka. These orphans were trafficked, sold for entertainment and for harvest," Dala ng nabanggit niya, napasinghap ako ng malakas. Nanginig ang buong sistema ko at bago ko pa mapagisipan ang gagawin, walang pasubali kong ibinato sa kanya ang platong pinagkainan kanina. Maliksi ang kanyang intuwisyon at dali-dali niyang nasalo ang binato ko. "Nagsisinunggaling ka. N-niloloko mo ako! H-hindi ganon ang kinalakihan ko!" He laughed. Isang malaking sampal sa akin ang mga sinasabi niya. Hindi totoo. Nagsisinunggaling siya. Paulit-ulit kong pinoroseso sa isipan ang mga nabanggit ni Damian. Anumang klase ng pagmanipula niya sa kwento'y mahirap paniwalaan. Alam ko kung paano kami alagaan. Kung paano naampon ang iba sa magagandang tahanan at mababait na pamilya. Nakita ko kung paano sila ngitian at salabungin. Alam ko dahil pamilya na niya ako. "Sinasabi mo l-lang ito para saktan ako," "You were expensive, Rose. Afterall, you're his daughter," Humpigpit ang pagkakayukom ko sa kamay at kinagat ang labi. He's implying that I was bought. Binili ako ni papa. Iniling-iling ko ang ulo. Ang alam ko'y magiging maganda ang aming mga kinabukasan. Alam kong pinili ako, tinanggap sa pamilya. Tinanggap ni Mama Evangeline. Pero ang mga sinasabi ni kuya, hindi ko lubos na maisip ang paratang niya. Nagkaroon ako ng bahagyang pagtatalo sa sarili. Alam kong kilala si Damian sa ilalim. Siguradong may kinalaman ang sinasabi niya sa nakaraan kaya niya ito nabanggit. But can I really listen to him? Maniniwala ba ako lalo na't mahirap tanggapin ang sinabi niya? "Anong sinasabi mo? Na binebenta lang kami?" Nakaupo pa rin sa harap ko si Damian habang matiim akong tinitigan. Walang nagbago sa kanyang ekspresyon. Ilang saglit akong nagantay ng kahit anong indikasyon ng pabibiro. Baka naman ay nagkakamali lang siya, ngunit dumaan ang segundo na naging minuto, marami pang nasabi ang mapupungay niyang mata. Dala nito ay napahawak ako sa bibig ko. "H-hindi..h-hindi..." Ang buong alam ko'y ligtas sila. Na lahat kami ay matutupad rin ang pangarap balang araw. Na kaming mga iniwan, makakaramdam ng pagmamahal, mararamdaman namin ang pagkakataong katanggap-tanggap kami sa kabila ng mga sugat ng nakaraan. Si Dianna...si Ysabell, si Ford, si Rena...hindi ko matanggap. Hindi totoo. Hinawakan ko ang dibdib ko at pilit na sinupil ang luhang umagos. Nanginginig akong nagangat tingin. Imposible dahil mababait na tao sina Mother. Mahal nila kami! Tinuruan kami ng tamang asal at mga salita ng Diyos. Kaya imposible! Wala sa sarili akong napatungo. Ayokong makita niya ang luha ko. Ayoko na uling makita ang kaawa-awa kong itsura. Hindi ko kakayanin gumuho ang lahat ng pinanghahawakan ko. Gusto ko na lang itago sa kanya ang kahinaan ko, ngunit nang hawakan niya ang baba ko at pilit inangat ang tingin ko para makatagpuan ang kanya, tuluyan nang nasira ang pinanghahawakan kong depensa. Ikalawang beses akong hinawakan sa kamay ni kuya. Pinanood niya ang bawat luhang pumapatak sa mata ko at pinunasan iyon isa-isa. Naisip ko tuloy na baka masaya siyang nakikita akong ganito. "H-hindi. Niloloko mo lang ako," Hinawakan ko siya sa kwelyo. "K-kuya... sabihin mo. Say it to my face. Nagsisinunggaling ka," Hindi siya umimik. "P-paano nangyari y-yon? Everything was l-legal..." Hinaplos niya lang pisngi ko kaya hindi ko na napigilan ang pumikit ng mariin. Alam kong hindi ganon ang nangyari. I know I'm right. I know it. ____ BUMABAGABAG sa akin ang katotohanang sinampal sa akin. Ang lahat ng nangyari, memorya, at pagasa ay parang gumuho sa isang iglap. Ilang araw na ang nakakalipas ngunit nanatili akong walang imik habang pinoproseso ang lahat. Binibisita ako ni kuya pero hindi niya ako pinipilit magsalita o anuman. Ayoko man isipin pero nakakagulat ang simpatya niya. Pinilig ko ang ulo sa kasama at pinanood si Damian na inaayos muli ang kanyang dalawang silver handgun. Madalas niyang pinagkaka-abalahan ang kanyang mga armas. Napatingin siya sa akin kaya agad kong binawi ang pagkakatitig. "May pupuntahan ako," Lumapit siya sa kama at pilit pinaharap sa kanya. "Kakausapin mo na ako pagbalik ko. Binigyan na kita ng sapat na oras para makapagisip," Mariin kong nilayo ang mukha sa kanya at nang masilayan niya ang dumaang pagsuway ko agad niyang hinawakan ang aking naka-kadenang kamay at ipinilig iyon sa taas ng ulo ko. Pinanlalakihan ko siyang tinignan. "Bitawan mo ako!" Pumungay ang mata at humigpit ang kapit niya sa palapulsuhan ko. "Isa pang suway mo sa akin at ipapakita ko sayo ang galit ko," Medyo kinabahan ako sa narinig pero kinalaunan ay kinalma ko ang sarili. Bahagya niyang diniinan ang pagkakakapit sa baba ko at pinukulan ng matalim na titig. Mas lalong umangat ang mala-abo niyang mata at nanunuyong labi. Gusto ko siyang hamunin kaso walang ako magawa. Ilang saglit kaming nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa bitawan niya ako. Huminga ako ng malalim at pinagmasdan siyang umalis sa maliit na silid. Nagbilang ako sa isipan bago libutin ng mata ang kabuuan ng kwarto. Sinisigurado kong nakaalis na si kuya kaya hinayaan kong lumipas ang ilang minuto. Nang marinig ko ang pamilyar na tunog ng sasakyan sa labas, lumipad ang utak ko sa mga pinalano. Siguro nga in denial pa ako. O baka naman tama ang mga iniisip ko. Pero ang tanging nakikita kong paraan para makumpirma ang sinasabi ni Damian ay ang makaalis dito. Sina Dianna, alam kong nasa maayos na lagay sila. Mali si kuya. Hahanapin ko ang mga kaibigan gaya ng una kong pakay. Aalamin ko kung may record ba ang mga taong namamahala doon, sa Hope orphanage. Sisiguraduhin kong hindi ito isang malaking kasinunggalingan para lang mapasunod ako. I know him. He will do everything in his power to make me stay. To make me his captive. Even if it meant taking away everything from me. My hopes, dreams, and aspirations, kinakain niya isa-isa. Pero tao ako, at hindi bagay. Huminga uli ako ng malalim at kinuha ang kahon sa katabing nightstand. Netong isang araw, dinalhan ako ni kuya nang iba't ibang alahas. Ang ibang rosas naman ay nalanta na dala ng kakulangan sa aruga. Pinagpawisan ako ng kaunti lalo na nang makita ko ang reaksyon niya kanina. Binawi ko na lang agad ang pangamba. Iba ang prinsipyo ko sa kanya. Paulit-ulit ko itong pinagisipan. Paulit-ulit tinimbang ang desisyon kung ano ang mangyayari. Pero napagpasyahan kong kumilos, dahil buong buhay ko ay ako lang rin ang kumikilos. Kinuha ko ang kahon sa drawers at nilabas ang nagagandahang alahas. Pinigtas ko ito at binaklas. Mas lalo kong pinatulis ang dulo ng dalawang hikaw samantalang natataranta kong binaliko ang rod sa isang silver necklace. Abala kong kinalikot ang mga padlock sa kadena. Kung hindi ako nagkakamali, inaabot ako ng halos isang oras matanggal ang isa. Alam ko dahil minsan na akong kinadena ni Bernard, ang kinilala kong ama dati. Nakapikit ako ng maginhawa matapos matanggal ang isa. Kahit wala namang tao, natatakot ako sa mga tauhan ni Damian na posibleng nakamasid sa akin. Sa tingin ko kasi ay may CCTV dito, hindi ko lang mapuntirya kung nasaan. Kinagat ko ang labi bago busisihin ang tangkang pagtakas. Sanay na sanay ang kamay ko kaya hindi ko mapigilan masaktan tuwing maaalala ang nakaraan. Mas lalo kong kinagat ang labi kaya tuluyan itong nagdugo. Nasa huling kandado na ako sa ikalawang paa at nang tuluyang makawala, kinapitan ko ang bawat poste ng kama at inalalayan ang sarili tumayo. Hinila ko ang bedsheet at pinangtapal sa nakahubad kong katawan. Tinungo ko ang pintuan at halos mapadasal ng pasasalamat nang mapagtantong hindi ito nakandado. Kanina pa malakas ang kutob ng puso ko sa totoo lang. Kung sakaling mahuli ako ni kuya, hindi ko alam ang maaari niyang gawin. Kaya't hanggang kakayanin, hangga't may kaunti pa akong lakas, pinilit kong sinuyod ang malaking mansyon. Pinakinggan ko mabuti ang bawat pasilyong nadadaanan pero wala naman akong narinig na kahit sinong tao. Malaki ang mansyon kung saan ako dinala ni Damian. Malalaking bintana at kurtina ang humarang sa silaw ng araw at magagarang na tiles naman ang natatapakan ko. Lumiko ako sa susunod na koridor pero nang masalubong ko ang nakahalukipkip na si Damian, para akong inagawan ng hangin. "Anong sinabi ko, Rose," Pinanood ko ang pagigting ng kanyang panga at pandidilim ng mata. Nakita kong lumapit siya kaya awtomatiko akong napa-urong. "Gusto kong umalis dito!" Bakit!? Bakit ba ito nangyayari sa akin? Gusto kong mapamura nang mahuli niya ako. Damian was towering over me. Malalim ang bawat hinga at matalim ang titig. Tumikhim siya at bago pa magbuhol-buhol ang isipan ko dala ng kanyang napakalaking bulto, mas lalo kong hinigpitan ang kapit sa telang tumatakip sa akin. "L-let me go," Unti-unting naglapit ang aming distansya tuwing aabante siya at aatras naman ako. May kung anong kumirot sa puso ko matapos marating ang dulo at ipinid niya ako sa dingding. Nakapatong ang maugat niyang braso sa magkabilang panig ng ulo ko kaya kahit tumakbo ako, alam kong mahuhuli niya ako. "Hindi ka marunong makinig," Aniya sa malalim na boses. Napasinghap ako sa tono niya. "You will regret this. You will regret ever thinking about leaving me," Kumalampag ang sistema ko sa pinaghalo-halong emosyon. Gusto kong tanungin kung paano niya nalaman. Gusto kong alamin kung bakit kabisado niya ang kilos ko, pero alam kong hindi ko rin magugustuhan ang maririnig. "Bakit mo to ginagawa! Bakit mo ako kinukulong dito!" "Galit na galit ako sayo, Rose," Natigilan ako sa sinabi niya. "Anong ginawa ko sayo!?" "Hanggang ngayon naghihintay ako," Ramdam ko ang galit sa tono niya. Kumuyom ang kamao niya sa magkabilang gilid ko. May iilang pulgada pa ang namamagitan sa aming dalawa, ngunit parang hawak-hawak na niya ako sa paraan ng kanyang pagtitig. Kinagat ko ang labi at napatingin siya doon. "Anong sinasabi mo!" "I'm waiting for a name," Pinasadahan ko ng tingin ang mukha niya. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Mas lalo nabigyan depinsyon ang mala-anghel at demonyo niyang mukha kaya binaba ko agad ang tingin ko sa sahig. "Hindi kita naiintindihan," Anong sinasabi niya? Hinalukay ko ang isipan. Sa huli, blangko ako sa nais niyang malaman. "Who was he? The man you had lunch and dinner with," Alarma akong napaangat ng tingin. He was talking about my time with Ethan. Halos hindi ako makahinga sa narinig. At nang makita niya ang panlalaki ng mata ko, narinig ko ang mahina niyang mura.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD