Kabanata 42: Beg

2581 Words
42 Pamilyar sa akin ang bawat tagingting na naririnig. Narinig ko na ito minsan. Narinig sa bawat kwartong nadadaanan sa hospital. The sound of monitors and the sound of my heartbeat. Mabigat ang talukap ng aking mata, masama rin ang pakiramdam ko. Kung mayroon lang akong lakas, baka naalala ko pa ang mga nangyari bago ito, ngunit ang rumehistro lang sa akin ay ang boltahe ng kuryenteng dumaloy sa kalamnan ko. I remember his cruel ways. Damian...the name was interlaced with evil and desire. Minsan napapatanong na lang ako kung nasa mundo pa ba ako, or am I living? Nanatili akong nakahiga at nakapikit na parang bangkay. Aktibo ang aking isip sa mga naririnig na kaluskos at haplos sa katawan, ngunit hanggang doon na lang ang kaya kong unawain. Nang hayaan ko uli ang sarili magpadala sa lumbay at labis na kapagurang nararamdaman, muli kong nakuha ang kahit kakapiranggot na lakas. I slept, probably for a few more hours. At nang magising ako, ang unang bumungad sa akin ay si Damian na nakaupo sa tabi ng kama. Hawak-hawak niya ang kamay ko sa pagitan ng kanya habang nakatungo at nakatukod ang kamay sa noo. Mukhang problemado sa isang bagay na hindi ko maunawaan kung ano. Sinubukan kong igalaw ang katawan pero napangiwi lang ako sa naramdaman. "Rose..." Halos mabuhayan ang kanyang mukha matapos makita ang kalagayan ko. Hindi ko siya sinagot at iniwas na lamang ang tingin sa kung saan. May dextrose na nakakabit sa kamay ko. May mga gamot naman sa drawer. How sick I was really? "Hindi mo alam kung gaano ako nagalala," Ani Damian bago dampian ng halik ang likod ng kamay ko. Wala akong lakas manlaban o makipagusap sa kanya kaya hinahayaan ko lang siya. "What are you feeling? Do you want to—" Inunahan ko na siya. "P-pahinga. G-Gusto ko magpahinga," Paos kong wika. Kumunot ang kanyang noo. "And your condition?" Balik niya uli sa unang tanong. "Please. Gusto ko mapagisa," Nabatid ko ang pagbabago ng aura ni Damian. I met his piercing gaze. Tinaliman ko rin ang titig sa kanya. Galit ako sa totoo lang. Galit na galit sa pambababoy niya sa buhay ko. I probably looked like a lamb compared to him. But I was determined to make my anguish known. "What are you trying to say?" Seryoso niyang wika sa malalim na tono. Hindi ko siya sinagot. Nagkatinginan uli kami at parang nagtatagis ang nais naming ipahiwatig sa isa't isa. Mukhang anumang oras din ay pagsasalitaan na naman niya ako kaya kinuha ko na ang tsansa para putulin na ang aming komunikasyon. "Pwede ba kahit saglit lang bigyan mo ako ng oras para sa sarili?" Hindi ko na napigilan ang damdamin ko. Gayunpaman, inayos ko pa rin ang tono. Ang kailangan ko lang ay unawa niya. Mataman niya akong tinitigan habang prenteng nakaupo. Hindi ko maintindinhan pero kinakabahan ako sa paraan ng kanyang titig. Desidido siyang malaman ang pangalan ng lalaking kasama ko kumain—si Ethan, pero hindi ko pwedeng sabihin. Kaya kaunting tanong niya lang ay halos yanigin ako mula ulo hanggang paa. Baka anumang oras ay iungkat niya ang paksang iyon. At baka maulit na naman ang pagpapahirap niya sa akin. Maalala ko pa lang ay tila nagsisitaasan na ang balahibo ko. I want to have time for my own. Sana bigyan niya ako ng kahit kaunting oras makapagisip-isip. Napasingap ako nang agawin niya bigla ang kamay kong nakapatong sa aking kandungan. Bumakas sa mukha ko ang ngiwi matapos mabatak ang dextrose na nakaturok. "What are you doing?" Medyo galit niyang asik habang humihigpit ang kapit sa akin. "Kuya! B-bitawan mo ako! Napapagod talaga ako!" Tumalim ang kanyang titig. Iniwas ko agad ang tingin at pilit pa ring ignorahin ang sakit at panghihinang nananalatay sa akin. Ano ba ang problema niya? Bigla bigla na lang siyang nagagalit sa akin ng walang dahilan! "Hindi kita maintindihan! Sumosobra ka na k-kuya!" Sumingap siya at mas lalong lumapit sa akin. "Why are you looking at me that way? Answer me!" Bahagya akong napitlag sa malalim at galit niyang tono. "What!? Dahil lang ba sa tingin ko! Bakit? Pati mata ko kokontrolin mo!?" Nakita ko ang pagigting ng kanyang panga. "Do you f*cking hate me that much?" He was too close for my own liking. Amoy na amoy ko ang nakakaakit niyang hininga at kitang-kita ko ang bawat anggulo at hubog ng kanyang mukha. Mahaba ang kanyang pilik-mata at nakakalunod naman ang kanyang mga titig. Delikado ang presensya niya anumang gawin kong pagmaskara ng nararamdaman. Sinara ko ng mariin ang mata bago bumuga ng hangin. Hindi ko talaga alam kung bakit sa simpleng titig niya'y halos masira ang aking sistema. It was bad. It was evil. It was a foreign sensation. "Ayoko makita pagmumukha mo," I know his games too well. I won't be his pawn. Wala akong balak ibigay ang gusto niya. Kaya anuman ang mangyari! Akin pa rin ang buhay at katawan ko. Gumalaw ang gilid ng labi ni Damian at umangat ito na parang nangungutya pa. "You're lying," Kumalabog ang dibdib ko. Ano na naman ang sinasabi niya? "Masama ang magsinunggaling," Ngiti niyang ani bago halikan ang tenga ko pababa sa leeg. Pinikit ko ang mata habang siniil ang mga labi. Ayokong bigyan siya ng pagkakataong isipin na nabibihag niya ang katawan ko, ngunit nang landasin niya ang pagitan ng aking s**o, bigla akong napasinghap at tinulak siya sa dibdib. "Lumayo ka sa akin!" "You're being tempted. Admit it, Rose," Umiling ako. "You can mask the anger, try to play this facade. Pero alam kong ako ang nasa isip mo," Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Naalala ko ang lahat ng mga ginawa niya. Lahat ng krimen at kasalanan. Lahat ng bagay na taliwas sa aking prinsipyo! He made me his toy. "This anger...this is real. Hindi ka pa ba nagsasawa kuya? Tigilan mo na ang kakahabol sa akin!" Narinig ko uli ang mala-demonyo niyang halakhak dahilan para mas lalo akong mamula sa galit. Hinayaan ko lang siyang matawa. Hahayaan ko siya...dahil sa akin rin ang huling halakhak. He can trap me. Even I'm in shackles, my heart and mind will roam free. Tinitigan niya ako at binasa ang kanyang labi. Maya-maya'y gumapang ang mata niya sa nightgown kong suot. Manipis ang tela kaya halos makita na ang kaluluwa ko. Agap kong pinagkrus ang kamay at pinukulan siya ng masamang titig. Kinagat niya ang labi. "Alright..." Nabawasan ang aking kaba at sa wakas, nahimpil ang aming matinding pagtititigan nang makita siyang tumayo. "I'll give you time to rest. Pero hindi pa tayo natatapos dito," Halos sumikip na naman ang dibdib ko sa sunod sunod nitong tambol. What is he trying to say? Hindi ko masikmura ang nais niyang sabihin. "Don't ever dream about that man," Utos niya. Binitawan niya ang kamay ko pero ginawaran niya muna ng munting halik ito, habang ako'y nanatiling nakatingala sa kanya. "Ano? P-pati ba naman panaginip ko inaangkin mo! B-baliw ka na..." Inilapit niya ang mukha sa akin kaya awtomatiko akong napapikit. Nagdampi ang aming ilong at noo kaya halos pigil na pigil ang aking paghinga. "When I said you're mine. I mean it," Mahina niyang bulong bago lumayo. Napabuga ako ng hangin at hinapit ang kumot sa sarili. Ramdam ko pa rin ang kanyang mga titig kaya pinilit ko ang sarili kalimutan na nandito pa siya, kaso anumang pagmamanipula ko sa utak ay hindi gumagana. Because I know, and he knows too, that his presence is already engraved on my deepest fears. _____ NAGISING ako mula sa tunog ng tubig. Sinubukan kong inangos ang sarili ngunit agad ding nagsisi matapos maramdaman ang sakit ng kasu-kasuan. Hindi ko na kailangan tanungin kung nasaan ako, paniguradong kabisado ko na rin ang sagot. It was the same old mansion, the same old smell, the same everything, except for one thing. Nasa ibang kwarto na ako. It was probably his. Wala na rin ang dextrose sa kamay ko. Isang bendahe na lang ang humalili dito. Nilipat niya ba ako? Tinikom ko ang bibig at kinapa ang ulo at katawan. Nakumpirmang kakaligo ko lang rin. Bakit hindi ko nararamdaman ang mga ginagawa niyang paglipat o pagpapaligo sa akin? Napakuyukom ako sa kumot ko. Saktong natigil na rin ang tunog ng umaagos na tubig. Mula sa ikaliwang panig ng kwarto, bumukas ang isang pintuan. Lumabas si kuya na tanging tuwalya lang ang suot sa pambaba. Hinubog ng tubig ang kanyang maskulado at magandang katawan, bagay na ayaw ko titigan dahil alam kong isa siyang tukso na kahit kailanman ay hindi ako lulubayan. "I washed you up," Aniya matapos mapansing gising na ako. Narinig ko ang papalapit niyang yabag bago bahagyang lumundo ang kama mula sa pagkakaupo niya sa tabi ko. Nakatungo lang ako sa sarili, walang balak salubungin ang kanyang mga titig. "What do you want for dinner?" Maggagabi na? Ilang oras...o araw ba akong nakatulog? "I will treat you today. So you can ask me for anything," Sumakit ang ulo ko kaya hinawakan ko ang sentido. Seryoso ba siya sa tanong niya? Alam niya simula una kung ano ang gusto ko. Nang hindi ako sumagot matapos ang ilang segundo, panandalian siyang lumayo para makapagbihis. Alarma ko namang iniwas ang tingin dala ng kanyang hubad na katawan. Kahit nakita ko na ang...pinagmamalaki...niyang bulto, hindi ko pa rin kakayanin ang tignan siya na parang normal lang, kaya binagsak ko na lang ang titig sa kamay. Matapos niyang makapagbihis, narinig ko muli ang kanyang papalapit na yabag. Halos mawala ako sa sarili nang maglapit na naman ang aming katawan. Kinulong ako ni Damian sa sandalan ng kama. Uminit ang pisngi ko at agad inungkat ang kanina niyang alok. "Totoo ba? Na...gagawin mo lahat ng hihingiin ko?" Hinintay ko ang kanyang sagot at nang makita ang marahan niyang pagtango, huminga ako ng malalim. "Then, I want to leave," Buong akala ko'y magagalit siya at mauulit na naman ang pagpapahirap at paggamit niya sa katawan ko ngunit tumango lang siya ng bahagya. "Fine," Ano ang nangyayari? Siya pa ba ang kausap ko? Tumayo si kuya at sumunod ang aking mata sa bawat kilos niya. Nahihilo ako ngunit malaki ang pagtataka ko sa pagiiba ng kanyang ugali. Hindi ko alam kung konektado ba ito sa sakit niya kaya labis ang pagiging bipolar niya. Binuksan ni Damian ang pintuan ng kwarto at iminuwestra ang kamay na parang inaanyayahan akong lumabas. Hindi ko mawari ang nangyayari ngunit ito naman ang gusto ko simula una kaya bakit pa ako magrereklamo? "Alam mong hindi ako makakatayo sa sitwasyon ko," Baling ko sa kanya matapos tantyahin ang kasalukuyang kakayahan. Ngumiti siya. Maya-maya ay may pinasok siyang wheelchair. Nagantay muna ako ng ilang segundo. Inaantay ang magiging reaksyon ni Damian, ang pagbabago ng kanyang ekspresyon. Ngunit hindi nangyari ang inaasahan ko. Lumapit siya sa akin at halos maghumarentado na naman ang dibdib ko sa distansya namin. Bahagya siyang yumukod para buhatin ako kaya agad naman akong napakapit sa malapad niyang balikat. "K-kuya..." Sa gulat ko'y wala na akong masabi. "Hmmm?" Tahimik niya akong binaba sa wheelchair bago alalayan ang paa ko sa footplate. "Saan mo ako dadalhin?" "I have something for you. And you said you wanted to leave," "Oo pero..." Literal na umalis dito sa mansyon ang gusto ko mangyari. Hindi ko na natapos o naibulas ang nais sabihin nang simulan na niyang itulak ang wheelchair mula sa direksyong sinasabi niya. Ang dami kong katanungan. May bahagi sa akin ang nangangambang nililinlang niya lang ako. Imposibleng sundin ni kuya ng basta-basta lang ang kahilingan ko. It's either there's a catch, o may gusto siyang patunayan sa akin. Isa pa, kung saan man niya ako dadalhin, iyon ang kailangan ko ring malaman. Maraming pasikot-sikot ang aming nadaanan at halos mahilo ako sa masalimuot na arkitektura ng malaking mansyon. Nais kong tanungin kung paano at saan siya nakakuha ng panggastos o pambili para sa pambihirang palasiyo gayong bata pa kami nang mawala siya. Kaso nang maaalala ko ang sinabi niyang kriminal ang kanyang ama, parang medyo naging kapani-paniwala ang mga rebelasyon niya sa akin. Aaminin ko nung una'y hindi ako naniniwala, but now, his truth was starting to appear. Ano ba talaga nangyari sayo kuya matapos ang insidente? Malalaking bakal na pintuan ang sumalubong sa akin nang pasukin ang isang bahagi ng mansyon. Pumasok kami sa loob nito at isang malawak at malaking silid na animo'y patyo dala ng espasyo ang bumungad. Bago buksan ang ilaw, kinakabahan ko siyang tiningala. "Kuya. Nasaan tayo?" "You'll see," Kinakabahan ko siyang sinundan ng tingin hanggang buksan niya ang ilaw. Ngunit sumabay ang pagpatay at pagbubukas ng ilaw sa aking malakas na sigaw. "A-a-ano ito!" Gulat na gulat kong hiyaw matapos makita ang hilera ng mga duguang lalaking nakagapos sa mga rehas ng bakal. Naka-duct tape ang kanilang mga bibig habang umaagos naman ang dugo sa iilan. Hindi lalagpas ng benteng lalaki ang naroroon, at ang isa naman ay parang banyaga pa. Napakapit ako sa aking wheelchair at sinubukang makatayo ngunit bumagsak at sumalampak ako sa matigas at malamig na sahig. Samu't saring ingay at inda ang naririnig ko mula sa mga kalalakihan dahilan para mapapikit ako ng mariin. Natatakot ako! Natatakot para sa kanila! At para sa akin! "A-anong g-ginawa mo kuya!" Nanginginig kong wika, pilit tinatapangan ang sarili. "Ano ito!?" Narinig ko ang mahinang yapak ni kuya bago siya yumuko para daluhan ako sa sahig. Inupo ko agad ang sarili at ginamit ang kamay para bahagyang dumistansya sa kanya. "Sino sa kanila?" Tanong ni Damian. Mas lalong nagwala ang puso ko. Hinigpitan ko ang pagkakayukom ng kamao at naiiyak na umiling-iling sa pagtutol. Rinig na rinig ko pa rin ang mga inda ng kalalakihan, na parang humihingi ng saklolo sa akin. Sa bawat segundong lumilipas mas lalong kumakalembang sa aking tenga ang kanilang mga hinaing. Galit na galit at nasasaktan kong sinalubong ang mata ni kuya. "Sino sa kanila ang nakasama mo?" Umiling ako. "N-no...H-hindi...kasalanan ko ito," Kasalanan ko ito. Nagsinunggaling ako. Ibang pangalan ang binigay ko kaya nadamay ang mga inosente! Dahil sa akin! Napaatras ako nang abutin ako ni Damian. "Rose...Answer me. Kung hindi, lahat sila ay mapupuruhan. I will show them no mercy," Inabot niya ang buhok ko bago niya kapitan ang aking baba. "No one can touch what's mine. And any man will pay for it," Tumayo siya matapos niya akong bitawan. Nilabas niya ang pamilyar na mga sandata, ang kutsilyo at baril. Mukhang papipiliin niya rin ako kung anong armas ang gagamitin niyang pangkitil. Umiling-iling akong umiyak sa harapan niya. Sa harap ng mga lalaking tinorture at binugbog. Bunsod ng pangambang yumayakap sa kabuuan ko. Bagama't nanginginig ako sa pinaghalo-halong emosyon. Kinain ko ang kaba at takot. Dahil kasalanan ko ito. And I needed to fix things. I needed to make things clear and fix this! Dahil ako ang may pakana. Hindi ko alam na hahanapin niya si Ross Monroe! At dadalhin sa akin ang mga lalaking may pangalang iyon! I underestimated him. I underestimated how his mind works. Bakit ba ako nakikipaglaban sa bihasang kriminal? Sa isang executioner? Sa isang mafia sa ilalim... This is a different level of evil I can't handle. Diyos ko, saan niyo ako tinapon? Pinagsiklop ko ang kamay. Inayos ang aking sarili. Niyuko ang aking ulo at niyakap ang binti ni Damian. Kahit magmukha akong pulubi, kaawa-awa, patapon, at walang kwenta...ibinaba ko ang sarili para lang sa kanila. Para lang sa mga inosenteng biktima niya. "P-please...p-please k-kuya. P-pakawalan mo sila...N-nagsinunggaling ako! Nagsinunggaling! K-kaya ako na lang. Ako na lang wag na sila!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD