AVY POINT OF VIEW
"AVY gumising kana diyan!" sigaw ng kung sino.
Inaantok parin ang diwa ko nakikinig ako sa sumisigaw pero yung mata ko gusto talagang pumikit. malilintikan ako nito kung hindi to mumulat. bigla nalang may sumampal sakin yung sampal na magpapagising sa diwa ko yung sampal na may halo na sama ng loob. ang sakit!
Sino yung sumampal? gago ang sakit!
"Ano ba! alam mo na mang natutulog yung ta-" hindi ko na napatuloy yung sasabihin ko ng imulat ko yung mga mata ko at makita kung sino yung sumampal saakin taas kilay niya kung tiningnan na naka pamewang pa.
"Ano! wala kang balak gumising?" inis na tanong nito saakin.
"Hehehe.. pasensiya po kala ko kung sinong demonyo yung sumampal sakin yung anghel pala." sarkastikong sagot ko sakaniya. "Ito na po babangon na." sabi ko at pekeng ngumiti sakaniya.
Bumangon nako at inayos yung kama hindi padin lumalabas si espasol mukhang binabantayan ata ako. pinatay ko na ang aircon at kinuha ang suklay na nakasabit sa hook na nasa gilid ng salamin malapit lang sa kama ko sinuklay ko ang buhok ko hanggang sa hindi na mag mukhang bruha hindi na ako nagipit mukhang ayos naman yung buhok ko tinatamad kasi ako.
"Ano ayos na ba?" sarkastikong tanong niya saakin.
Lumingon ako sakaniya at tipid na ngumiti na nag mukhang ngiwi nakataas ang mga kilay nito inirapan niya ko at tumalikod saka lumakas papunta sa pinto. sumunod lang ako sakaniya palabas ng maids quarters paglabas ko ay bumungad saakin ang nagtatawanan na mga lalaki na nakasuot pa ng tuxedo and desente nilang tingnan.
Nakita ko pa si Sir Ajani na ang laki ng ngiti kausap yung lalaki na nakatuxedo din at sobrang gwapo ng kausap ni Sir Ajani.
Lumingon sakin si Sir Ajani naramdaman siguro yung presensiya ko kaya lumingon. taas kilay niya kung tiningnan.
"What?! diba may trabaho kapa?!" sigaw nito saakin dahilan para sakin ang atensyon ng lahat.
Itong lalaking to ang hilig hilig akong ipahiya.
"Meron po." mahinang sagot ko pero alam kung rinig niya may pahabol pa ih.
"Oh! anong tinitingnan tingin mo magtrabaho kana!" sigaw niya sakin na umalingaw ngaw sa buong bahay wala akong ginawa kundi tumango at yumuko.
Lumakad na ako papunta ng kusina narinig ko pa yung kasama niya na pinagsabihan si Sir.
"Ajani easy masyado kang highblood ang aga-aga." sabi nung lalaking kausap niya na gwapo.
Hindi ko na narinig yung iba nilang pinagusapan kasi tumungo na ako sa kusina para tulungan sina Lara bumungad saakin ang nagluluto na Lara. kunot noo kong hinanap si Abiy.
"Sino hinahanap mo?" tanong saakin ni Lara.
"Si Abiy wala ba siya?" tanong ko sakaniya.
"Nagoff siya may problema daw sa bahay nila." pagpapaliwanag niya tanging tango lang yung sagot ko.
"Ano yang niluluto mo?" tanong ko at tumakbo sakaniya.
"Caldereta" sagot niya.
"Marunong ka pala magluto." sabi ko na natatawa.
Bigla niya kung sinamaan ng tingin na nagpatawa sakin ng malakas.
"Hoy! anong tingin mo sakin di alam magluto.." sabi niya at tumawa ng sarkastiko " mas magaling panga ako magluto kay Abiy ih." pagmamayabang niya.
"O sige sabi mo ih!"
"Hay nako Avy! kumuha ka nga ng malaking plato diyan luto na tung Caldereta ko." sabi niya pa
Dali dali naman ako kumuha ng malaking plato para salinan ng pagkain. tumingkayad na naman ako para maabot ang cabinet ng makuha ko na ang mababasagin malaking plato binigay ko agad ito kay Lara na pinapatay ang gasul.
Inabot ko na sakaniya at inilagay niya na ang niluto niyang Caldereta pagkatapos non ay may nilagay pa siyang dahon dahon gitna para daw may palamuti kahit kaunti.
Para siyang timang sa ginagawa niya tapus ang seryoso niya pa sa paglalagay.
"Oh Avy ibigay mo to kina Sir Aj para makakain na sila kanina pa yun naghihintay." utos ni Lara sakin.
"Hala! bakit ako?"
"Lalabhan ko pa yung mga damit ni Madam Ikaw na ang bahala ha may mga plato na sila don at may kanin na ulam nalang ang kulang." sabi niya wala akong nagawa kundi tumango at kunin yung plato at tsaka tumungo sa dining area.
Nang makaabot ako sa dining area ay bigla nalang sila nagsi tahimik.
Bat naman kayo natahimik? nakakita kayo ng anghel noh!
Nilapag ko ang malaking plato na sa lamesa ramdam ko ang pagtitig nila sakin pero hindi ko nalang pinansin baka mask kagalitan na naman ako ng masungit dito.
Pagkatapos kong makapag yung malaking plato ay umalis nako kaagad nakahinga lang ako ng malalim ng makalabas ako sa impyerno.
Mabuti nalang at hindi na naman nagalit yung lalaking yon sakin palagi nalang mainit yung dugo niya sakin.wala naman akong ginagawa sakaniya.
Parang tanga lang! HAHAHA
Nandito ako sa kusina ngayon kumakain nandoon kasi sa labas ang lahat ako yung iniwan nila wala daw magbabantay sa nilulutong Adobong Baboy ni Manang Cala kaya dito ako kumain.
Busy ako sa paglunok ng may biglang may nagsalita sa harap ko dahilan para magulat ako.
"Why you are here?" tanong saakin ni Mr sungit.
"Hindi po ba halata? malamang kumakain tapus binabantayan tong tanginang adobo." sagot ko sakaniya at inirapan siya.
"Profanity!" sigaw niya dahilan para mapatingin ako sakaniya.
"Ewan ko sayo Ikaw na magbantay dito."
Nakalimutan ko na anak pala ng boss yung kausap ko.
"Excuse me anak ako ang anak ng boss mo." may diin na sabi nito saakin.
"Ay hala! O nga pala." sabi ko at sarkastikong tumawa.
Napahawak nalang siya sa sentido niya saka tumungo sa ref para kumuha ng tubig ngayon ko lang nakita na may hawak pala siyang baso.
"Pagkatapos mo diyan umalis kana and go to the pool area baka kasi marindi yung mga kameeting ko sa pagmumukha mo." sabi niya at nilait pa yung pagmumukha ko.
"Edi wow!" sabi ko at inirapan siya.
"Tsk!"
Nandito ako ngayon sa pool area kagaya ng sinabi ng ungas baka daw marindi yung pagmumukha ng mga kameeting niya. duh!
Nakaupo lang ako sa gilid ng pool habang yung paa ko nasa tubig. tapos na din kumain yung dalawang guard at si Manang Cala at Lara nasa loob na sila nagpapahinga habang ako may trabaho pa.
pinsan napapaisip nalang ako na pinapahirapan lang nila ako. pero wala naman akong pake kung pahirapan nila ako wala epek yun saakin.
Bigla nalang ako may narinig na yapak nakayuko kasi ako may narinig nalang ako na nagsasalita sa likod ko.
"Hi!"
Tinaas ko ang aking ulo sa pagkakayuko at dahan dahan na lumingon sa likod nakita ko ang lalaking kausap kanina ni Sir Ajani naka eyeglasses ito at nakatuxedo at nakasuot ng wholecuts shoes mukha siyang maldito.
pero sabi nga nila don't judge by the book is cover.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakaniya.
"Wala nagpapahangin lang."
"May aircon naman sa loob dapat sa loob kana nagpahangin hindi dito." sagot ko sakaniya.
"Mas gusto ko yung sariwang hangin."
"Pwedeng makiupo?" tanong nito saakin na nasa gilid ko na ngayon tumango lang ako umusog na kaunti.
Tinanggal niya yung sapatos niya at tinupi yung slacks para hindi siguro mabasa umupo na siya sa tabi ko at nilaro yung tubig gamit yung para niya. para siyang bata sa ginagawa niya mahina akong natawa pero sure akong narinig niya yun.
"Anong nakakatawa?" kunot noong tanong nito saakin.
"Wala" sabi ko at tumawa ng malakas bigla niya kung siniko dahilan para matulak ko siya at napalakas ata yung pagtulak ko at nahulog siya sa pool.
"What the!" sigaw niya
"Hala! sir sorry po hindi ko po sinasadya." sigaw ko na natataranta na.
Bigla nalang nagsilabasan yung mga kameeting ni Sir Ajani mukhang malakas ata yung pagsigaw ko kaya narinig nila at pumunta agad sila dito. palapit din saamin si Ajani na galit na galit.
"What the heck! anong ginagawa mo diyan sifen?! and you anong ginagawa mo dito?!" galit na sigaw niya.
"Ah sir.. h-indi ko po kasi sinasadya na t-ulak ko po k-asi siya-" utal utal na paliwanag ko sakaniya.
"Shut up! umalis ka nga wala kanang ibang ginawa kundi lang sakit sa ulo walang kwenta!"
"Alis! tangina mo!" sigaw niya saakin dahilan para umalis ako sa harap niya.
Hindi ko na mapigilan na maiyak sa buong buhay ko kasi ngayon lang ako namura ng lalaki.
Ewan ko ba bakit ako agad? hindi niya ko pinapa-explain sigaw lang siya ng sigaw kahit hindi niya naman alam ang buong kwento.
Nakakahiya pinagtitinginan ako ng mga nakakataas saakin siguro iniisip nila na wala akong silbi siguro jinujudge nila ako sa utak nila.
Pero wala akong pake hinding hindi niyo ko madodown sa mga paganiyan ganiyan niyo noh!
Tangina niyo!