Chapter 15

1350 Words
AVY POINT OF VIEW "My personal maid.. Mr Johnson. by the way how is your resort?" "Okay naman Mr Alemeo, let's start the meeting." sabi niya at sinenyasan pa siyang umupo. Habang ako naman nililibot ang aking paningin ko mangha mangha ako sa sobrang ganda ng resort. nakasuot lang ako ng white sandals kaya madjo bagay naman sa suot ko. "Avy!" tawag saakin ni sungit. Binalingan ko siya ng tingin ngumiti pa ito saakin para siyang natatawa. problema nito? lumapit nalang ako sakaniya saka may binulong siya sakin. "Maglibotlibot ka muna para hindi ka mainip.. tatawagan nalang kita mamaya pagtapos na meeting ko." sabi niya pa at ngumiti saakin. Ayos ah pangitingiti na siya halos dati patayin ako sa mga titig niya. tsk tsk! Ngumiti ako sakaniya at tumango tumalikod na ako at saka lumakad para mag libot libot. diko alam pero nakaka excite maglibotlibot sayang nga lang wala akong dalang pera last sweldo ko kasi under pako non kay Madam Gorgina pero ngayon na under nako kay sungit back to zero naman. nandito ako ngayon sa bar nila wala masyadong katao tao tanging ang isang staff lang ang meron sa may counter. maraming din mga wine sa istante habang sa isang istante naman ay mga liquor. kubo lang ang bar nila pero sobrang ganda gawa din sa kahoy ang bar chair nila habang ang mga chiller naman ay nasa mga kaniya kaniyang table mukhang led ice bucket wine mukha kasing umiilaw. Napatingin tuloy saakin ang isang staff na nasa loob ng kubo tinaasan niya pa ako ng kilay pero nginitian ko lang siya saka binaling nalang ang tingin ko sa isang hotel na di medjo kalayuan nakasulat pa dito ang 'hotel resort' meron din mga kubo sa paligid may pool din sa harap ng bar mini pool lang malaki din ang resort nila. medjo nagugutom nadin ako hindi kasi ako nag breakfast sa mansion gutom tuloy akong pumunta dito. lumakad na ulit ako para maglibot libot hindi ko namalayan at sa katangahan ko dahil hindi ako tumitingin sa paligid nakabangga tuloy ako. "Pasensiya na po hindi ko po sinasadya." "No it's okay," sabi nung lalaki na naka sunglasses. Hinubad niya pa ang sunglasses niya halos maluwa ko ang mga mata ko dahil sa gulat. hindi ko inaasahan na dito pa talaga kami magkikita. Si Ian nandito sa resort. "Avy," bigkas niya sa pangalan ko napangiti nalang ako at napatango at dali daling niyakap siya para tuloy akong tanga. "Ah.. namiss kita ian." sabi ko at yakap yakap ang leeg niya kailangan niya pang yumuko para maabot ko ang leeg niya pinalupot niya din ang kamay niya sa bewang ko. "Hmmm miss you too.. kumain kana?" tanong niya saakin dahilan para bumitaw ako sa pagyakap sa leeg niya napa pout tuloy ako dahilan para matawa siya. "Mukhang hindi pa nga.. tara kain tayo!" wala na akong nagawa kundi sumunod nalang sakaniya hawak hawak niya din ang kamay ko para hilahin ako. Nandito kami ngayon sa restaurant ng resort parang modern luxury restaurant lang naglalakihang chandelier na nakasabit sa kisame meron nadin kumakain sa loob pero kaunti lang marami padin bakanteng upoan. umupo na kami nasa bandang left side kami wala din umuupo dun nasa gitna kasi ang iba aircon din ang restaurant kaya medjo nilalamig na ako. Lumapit na saamin ang isang babaeng waiter singkit ang mga mata nito mestiza din matangos ang ilong hindi din makapal ang make up niya bagay sakaniya. nilapag niya na ang mga menu na maytatak na 'Royal Ground Resort' ngumiti ito saakin sinuklian ko din ang ngiti niya alam ko din na hindi iyon peke. Halos mabilaukan ako sa mahal ng mga nasa menu tiningnan ko si Ian na seryosong tumitingin sa menu lumapit ako sakaniya dahilan para mapatingin siya saakin sinenyasan ko siyang lumapit dahilan para lumapit siya. "Ang mahal ng mga pagkain dito tumakbo nalang kaya tayo." bulong ko sakaniya dahilan para matawa ito binasa niya pa ang labi niya para mapangiwi ako. "Ako magbabayad wag ka magalala pumili kalang diyan wag masyado mahal ha." bulong niya sa tenga ko dahilan para tingnan ko siya ng masama. Ang sarap talaga pingutin ang tenga nito. "Ih halos lahat nga ng pagkain na nasa menu mahal." sagot ko pa sakaniya napailing nalang ito at tsaka pumili na sa menu. Binalingan ko ang babaeng singkit na naghihintay ng order namin ngumiti ako sakaniya ng pilit at tsaka kinuha ang menu at tumingin doon. "Ah miss.. one Beef enchiladas and one milkshake," napatingin siya saakin parang sinesenyasan ako kung ano ang order ko napahinga ako ng malalim saka pinakita kay ian kung ano ang order ko napangiti nalang siya at sinabi sakaniya ang order. "One Lasagna and orange juice." sabi niya sa babaeng waiter pero saakin tumitingin. Mukha ba akong waiter, duh! Sinusulat naman ng babae ang mga order namin ngumiti ang babae at saka umalis na nagusap lang kami ni ian kung bakit siya andito. "Nandito kasi si tito kaya wala na akong nagawa kaya sumama nalang ako." paliwanag niya napatango nalang ako. Ilang oras din ay dumating na ang pagkain namin pero hindi na yung babae ang nagdala ng pagkain namin lalaki na nakasuot ng waiter na may tulak tulak na serving cart trolley ngumiti ito saakin at saka kay ian saka niya nilapag ang mga pagkain namin pagkalipas ang ilang oras ay natapos nadin kami kumain. binayaran muna ni ian ang mga kinain namin sa counter nasa labas na ako masakit nadin sa balat ang init halos mahulog ko ang milkshake na tinake out namin dahil sa cellphone ko na nagriring. Kinuha ko naman ito at saka sinagot hindi ko na tiningnan kung sino ang tumawag. [Hello?] sagot ko, [Where are you Avy?] [Huh? sino to? at bakit mo alam ang pangalan ko?] tanong ko pero narinig ko ang pagbuntong hininga ng tao sa telepono. [AJ..] mahina niyang sagot halos mahulog na ang hawak hawak kong milkshake sa narinig ko. [Where are you? ako na ang pupunta sayo baka mainitan kapa kung Ikaw ang pupunta saakin.] sabi niya pa dahilan para mapangiti ako. Concern din pala ang ungas sakin. Binalingan ko ng tingin si Ian na may kausap sa loob mukhang kakilala niya. [Nasa Restaurant ako ng resort..] sagot ko magsasalita pa sana ako pero pinatay na niya agad ang tawag napalingon naman ako sa pintuan nasa likod ko na pala si ian bigla nalang nag ring ang phone niya lumapit siya saakin. "Avy sorry aalis na ako baka hinahanap na ako ng tito ko… tawagan mo nalang ako pag nakauwi ka na ha magingat ka." sabi niya pa at saka ginulo ang buhok ko pero bago ko pa siya masipa tumakbo na siya. Napadabog nalang ako sa inis at saka inayos ang buhok ko. "Ay! Baka na kabayo!!" sigaw ko. "What?! tinawag mo ba akong kabayo and baka?" tanong niya pero bakas na sa mukha niyan na naiinis siya sa sinigaw ko. "Hindi sir.. paano ba to? Ahmm expression ko lang yun ginulat mo kasi ako." sagot ko pa bumuntong hininga siya at saka inabot saakin ang malaki niyang panyo. "Aanuhin ko to?" tanong ko sakaniya kinuha niya ito at saka inilagay sa ulo ko tinali niya pa ito sa may baba ko para hindi lumipad nakangiti na ito saakin. "You look like a baby," he said while smirking. "....my baby." dugtong niya dahilan para mapatulala ako. Rinig na rinig ko ang pagkabog ng dibdib ko hindi ko alam pero ang lakas ng tama saakin yung sinabi niya. avy kalmahan mo lang okay joke niya lang yon. "Let's go! punta tayo sa mall may bibilhin tayo." sabi niya pa saka hinawakan ang kamay ko hindi ko nalang namalayan na sumunod na pala ako sakaniya at nakarating na kami sa parking lot sa labas. "Avy, are you okay? kanina kapa tulala dyan." sabi niya dahilan para mabalik ako sa reyalidad hinawakan ko ang pisngi ko saka sinampal ng mahina. "Why did you slap yourself? nababaliw ka na ba? masakit?" bigla niya nalang hinawakan ang pisngi ko dahilan para mapatulala na naman ako. Ang OA nitong ungas nato. "Ah-eh, okay lang ako, tara na!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD