Chapter 8

2197 Words
Iris “Excuse me, who are you again?” narinig kong sabi ni Niña. Nakapikit pa ang mga mata ko at medyo nahihirapan pa akong dumilat pero ramdam ko sa pananalita ng aking bestfriend na naiirita siya. Ganyan na ganyan ang boses niya kapag meron siyang naririnig na hindi niya mapaniwalaan. Dahan dahan kong idinilat ang aking mga mata pagkatapos ay tumingin ako sa aking bandang kanan kung saan ko narinig na nagmumula ang tinig niya. Ganon na lamang ang gulat ko ng makita ko kung sino ang kausap niya, “Hindi mo ba ako naririnig? Pakiulit mo nga ang sinabi mo kung sino ka, at kung kaanu-ano ka ng bestfriend ko?” tanong niya ulit. “Niña,” ang tawag ko sa kanya na mabilis naman niyang ininalingon pati na rin ng lalaking kausap niya. Nagsilapitan din ang iba ko pang mga kaibigan at kitang kita sa mukha ni Alessandro ang pagkayamot. “Tell them who I am to you,” sabi ng damuho kong asawa na wala man lang kangiti ngiti sa mukha. Tsaka bakit ba nandito ito? Ang buong akala ko ay isang linggo itong mawawala, hindi naman dahil sa nangyari sa akin kaya siya nandito di ba? Teka, ano nga ba ang nangyari sa akin? Alam ko na nsa iospital ako base na rin sa amoy at itsura ng silid, “What happened?” ang tanong ko na lang sa aking kaibigan kaysa sundin ang sinabi ng magaling kong asawa, “You had been hit by a car,” sagot naman ng aking mga kaibigan ng sabay sabay. “Why did you jump out of the road?” tanong ni Niña, tapos ay naalala kong magkakasama nga pala kami at dapat ay papunta kila Nicko upang maglaro ngunit ng nasa labas na kami ay biglang nag red signal. Nanlaki ang aking mga mata ng maalala kong naramdaman kong may tumulak sa akin. “I didn’t jump!” ang sagot, “I think someone pushed me.” dagdag ko pa at nakita ko ng nagdilim ang mukha ng aking asawa. Hindi ko alam kung galit siya dahil sa nalaman niya o dahil sinuway ko ang gusto niyang sa mga female friends ko lang ako makikipag kita? “Everyone, get out.” ang sabi niya na ngayon ay alam ko ng galit nga siya. “Why would we?” sagot naman ni Niña kaya naman hinila ko ang kamay niya at sinenyasan na sundin na lang si Alessandro. “No,” ang sabi naman ito sa akin, “This man told us that he is your husband, and of course I didn’t believe him. No one believes him, we are your friends and there’s no way that you wouldn’t tell us that you are getting married. Especially when you marry an old man.” sabi ni Niña na hindi ko maiwasang matawa dahil sa sinabi niya. "Are you that happy?" Tanong naman ni Alessandro na mukhang napikon, "I'll explain to you. You can leave us and I will be fine." Sabi ko na lang kay Niña. "So, asawa mo talaga siya?" Tanong niya ulit na ikinatingin na rin ng iba ko pang mga kaibigan at naghihitay na sagutin ko ang tanong niya. "It's not exactly what you think." Ang sabi ko, "Basta ichachat ko na lang kayo." Ang sabi ko pa para umalis na sila dahil nakikita kong galit na talaga ang aking asawa na gwapo naman pero nuknukan ng sungit. "Please?" Ang pakiusap ko kaya naman napilitan na rin silang umalis. "Is it really hard for you to tell your friends that you're married to me?" Ang tanong ni Alessandro. Hindi ko alam pero parang naawa naman ako sa kanya dahil sa tunog ng boses niyang parang nasaktan siya. "Ayaw kong kumalat ang balita na mag-asawa tayo. Siguradong susugurin ako ni Rachel at ayaw kong mag-isip ng mga bagay na wala namang halaga." "Are you saying that our marriage doesn't mean anything to you?" "Kung makatanong ka akala mo naman may halaga sayo." Ang sabi ko naman. Akala yata niya bulag ako samantalang kitang kita naman na wala ding halaga sa kanya ang aming pagsasama. Isa ng katunayan non ay ang pagtawag niya sa kung sino man ang Sandy na yon. "Tignan mo ang daliri ko, kahit ipagsigawan kong asawa kita, sino sa tingin mo ang maniniwala?" Dagdag kong sabi sabay pakita sa kanya ng aking palasingsingan kung saan dapat nakalagay ang simbolo ng aming kasal. "Ang yaman yaman mo pero ang kunat mo," Sabi ko tapos ay tinalikuran ko na siya, matutulog na lang ako kesa makipag-usap sa kanya. Nagulat na lang ako ng bigla niyang kunin ang aking kamay tapos ay may kung anong inilusot sa aking palasingsingan. "Just have this, Vince buys these for us." Sabi niya tapos pinakita niya ang aming mga daliri na may suot ng sing sing. "When you're ready, we can buy again and you can choose whatever you like." He added. Napamaang talaga ako dahil hindi ko akalaing handa siyang magsuot non. Tapos ay pinagsalikop pa niya ang aming mga kamay. Goodness, may sakit kaya siya? Anong nakain niya? Bakit parang hindi si Alessandro Romano ang kaharap ko? "What's wrong?" Ang nagtataka niyang tanong. Siguro ay dahil nakanganga akong nakatingin sa kanya dahil hindi talaga ako makapaniwala sa nangyayari. "Are you sick or something? Don't tell me you're going to die soon, that's why you're acting strange." "I am healthy as a bull, Iris. You're not going to be a widow just yet." Ang tugon naman niya sabay pisil sa baba ko. Hindi ko alam pero parang ang gwapo gwapo niya sa paningin ko. Well, he is really handsome. Many women would kill to have him or even just to sleep with him, but I didn't patronize him. Never. Not until now. Tapos may kumatok at pumasok sa aking silid at doon na natuon ang kanyang atensyon habang wala akong pakialam sa kung ano mang sinasabi ng doctor hanggang sa tuluyan na itong umalis. "Are you listening?" Tanong niya sa medyo mas malakas na boses. Nakikita ko naman na may sinasabi siya dahil bumubuka ang kanyang bibig, pero bakit wala akong naiintindihan? "Are you alright? Do you want me to call the doctor again?" He asked and I felt so stupid. Mabilis akong umiling at itinuon ang buong atensyon sa kanya at sa kung ano mang sasabihin pa niya. "No, I'm fine." Ang parang tanga kong sagot. Tapos ay naghintay sa kung ano pa mang gusto niyang sabihin. “Didn’t I already tell you that you are not allowed to meet any male friends?” he asked and that brought back my anger. “Look, I am hurt and need a rest. Are you still going to talk to me about that? No matter what you do or say, you can’t prevent me from talking or meeting with them. We had been together since high school until we graduated college. I don’t know about you, but I value my friends who had been with me especially when I needed them most.” ang lintik na ‘to, napapaingles pa tuloy ako. Kapag si Niña ang kausap ko ay malimit ko siyang pagtawanan at lokohin dahil nga ingles siya ng ingles. Tapos heto ako at hindi mapigilang mag-ingles din dahil sa lalaking ito. Kung tutuusin ay napakagandang pakinggan kapag nagsasalita siya, lalo na kapag nagtatagalog. Kaya lang, ang hindi maganda sa tenga ay yung mga salitang sinasabi niya. “Fine, I will only allow those three boys and no one else. Any addition to them will be the end of whoever he is.” ang sagot niya na ikinagulat ko. Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya. “What! You didn’t want that either?” he asked, annoyed. “No, it’s fine.” ang bilis ko namang sagot. Mahirap na at baka magbago pa ang isip ng loko-lokong ‘to. “Now, is it true that you felt that someone pushed you?” tanong niya ulit. Ngayon ay parang sobrang seryoso siya kaya naman hindi ko alam kung mag-oo ba ako o hindi. “Do I need to rip your mouth so you will talk?” “Do you need to threaten me every time you want a reply from me?” tanong ko din. Nakakainis kasi lagi na lang siyang ganyan. Simula ng maging mag-asawa kami ay puro pananakot na lang ang lumalabas sa bibig niya para lang makuha ang sagot na gusto niya. “Do I need to repeat my question everytime I ask you?” tanong niya din kaya naman ganun din ang gagawin ko. “Do you need to ask everything?” “Don’t you know what your duties are?” “Don’t you know what your duties are?” “Iris!” “Alesandro!” anong akala niya, siya lang ang may karapatang magalit? “Be thankful that you are lying on that bed. If not, I don’t know what to do with you.” he said, so una na siyang sumuko. Pero syempre, hindi pa ako tapos, “Be thankful that I am lying here because if not, you will be sleeping on the floor later.” sabi ko naman. Tinitigan niya lang ako tapos narealize ko na parang ang feeling close ko sa kanya dahil sa sinabi ko. We are sleeping together but that’s it. We just slept and nothing else. Although I am not implying anything with what I said, I just thought that he was thinking of a different meaning to it. “You will never make me sleep on the floor, that I assure you. But if that happens, I will make sure that you will be there too.” sabi ko na nga ba at iba na ang tinatakbo ng isip ng loko eh. Wait, siya ba o ako ang iba ang tinatakbo ng pag-iisip. Bwisit talaga, ako pa ngayon ang lito. Lumabas siya ng silid pagkatapos nya ako titigan, ewan ko kung saan siya pupunta dahil wala din naman siyang sinabi. Alangan namang tanungin ko siya di ba? No. Hindi ko gagawin yon. I need to retain my pride. Nakatulog na ako at lahat at nagising ay hindi pa rin siya bumabalik at nagugutom na ako. Pagtingin ko sa orasan na nakasabit sa ding ding ay alas-11 na pala. Tumingin ako sa bintana at nakita kong madilim na. Ibig sabihin ay gabi na din. Ang tagal kong nakatulog. Tapos non ay tatayo na sana ako para mag-CR kaya lang ay napansin kong parang naiba ang aking silid kaya nilibot ko ng aking paningin ang paligid at akin ngang nakumpirma na nasa ibang silid ako. Natakot ako dahil baka mamaya ay nasa ibang ospital na din ako kaya naman tuluyan na akong tumayo ngunit imbes na pumunta sa CR ay namaybay ako papunta sa pintuan upang makalabas ng silid. Pipihitin ko na ang seradura ng bigla naman itong bumukas at iniluwa ang napakagwapo ko talagang asawa. “Where do you think you're going?” ang tanong niya agad. “Hindi ito ang silid ko, kaya lalabas sana ako para tignan at alamin kung bakit ako nandito.” sabi ko naman. Hindi ko alam kung galit ba siya o hindi kasi sobrang poker face siya. “Go back to your bed.” sabi niya tapos ay kinuha ang aking kamay at inilalayan ngunit dahil sa gulat ko ay hindi ako nakagalaw. Parang ang hinahon niya. Hindi ko namalayan na nakaumang na siya para buhatin ako kaya naman hindi ko napigilang mapatili ng bigla na lang akong umangat sa sahig. “You wanted to be carried like this?” tanong pa nito. “What!! No!” sabi ko naman na nabibiglaanan. “Hindi ko sinabing buhatin mo ako!” dagdag ko pa na maaaring naging defensive ang dating. “You should have walked back to bed when I told you but you didn’t. It only means that you wanted me to carry you.” Grabe, ganon agad para sa kanya yon? Hindi ba pwedeng matulala? Sabagay, bakit nga naman ako matutulala? Pero hindi ko maiwasan yon dahil napakagwapo niya talaga. s**t! Bakit ba ngayon ko lang ito nalaman? “Vince will be here in a while. I asked him to buy some food. I was waiting for you to wake up so we could eat together.” sabi pa niya. “Bakit hindi ka pa kumain kanina? Hindi ko naman dala ang kaldero?” sabi ko naman na ikinakunot ng kanyang noo. “I said, I waited for you, can’t you just be grateful that I did that?” ang sabi niyang tila naiirita. “Hindi ko naman sinabing hintayin mo ako.” sagot ko at nakita kong napahinga na lang siya ng malalim. Tapos ay dumating na nga si Vince maya maya lang at sabay na kaming kumain. Wala kaming imikan, pero OK na yon kaysa naman mainis lang din ako once na may nasabi siya na hindi ko magustuhan. Dahil pareho na kaming tahimik na kumakain, hindi ko maiwasang mapaisip kung talaga nga bang may tumulak sa akin o wala. Hindi naman ako napapraning para basta na lang tumawid kahit na alam kong naka-stop kami at maraming mga rumaragasang sasakyan. Ano nga kaya ang nangyari?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD