Iris
“Anong balak mong gawin sa kanya?” ang tanong ko. Natatakot na talaga ako lalo na ng may pumasok na isa pang lalaki na may hawak na baril. Hindi naman ako pinansin ng asawa ko dahil nakatingin na siya ngayon sa lalaking armado.
“Alam naman namin na wala kaming makukuha sayo, kaya papatayin ka na lang naming,” sabi ng lalaki,
“What?” gulat na sabi ko, tapos ay nakita kong inabutan nito ng baril si Alessandro at itinutok sa lalaki. Mabilis kong hinawakan ang kanyang kamay na naging dahilan para tignan niya ako at nakataas ang kilay na nagtanong,
“Do you know him?”
“No,”
“And why are you stopping me?” tanong niya na akala mo ay sa akin niya ipuputok ang baril.
“What did he do to deserve it?” tanong ko na lang, “Can’t you just forgive him?” tanong ko ulit.
“I am not like you, I can never forgive those that treat me badly and take me for granted. I am not going to let anyone just slap me like what your stepmother did to you.”
“I didn’t die so it was fine with me. If I can’t stop you, then let me leave here first.”
“You are my wife, and no matter what, you are already part of my life and me to yours. Do you want to get your hands clean with his life?”
“No, I didn’t want to hear the sound of a gun firing,” sagot ko. “Bahala ka sa gusto mong gawin, basta lalabas ako,” sabi ko pa sabay talikod at bubuksan ko na ang pinto ng bigla na lang akong nakarining ng sunud sunod na putok ng baril.
“Ahhh..” Ang tili ko habang takip-takip ko ng aking mga kamay ang aking mga tenga. Ipinikit ko ang aking mga mata para hindi ko makita ang lalaki. Ayaw kong makita, ayaw kong makibahagi sa kasamaan niya. Hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang aking mga luha. Tapos ay naramdaman kong may kamay na humawak sa aking mga braso.
“Open your eyes,” sabi ni Alessandro, pero ayaw ko kaya naman umiling ako ng paulit-ulit. “I said, open your eyes,” ulit pa niya pero hindi ko parin siya sinunod. Ayaw kong makita kung gaano kasama ang taong pinakasalan ko. Wala akong narinig pagkatapos non pero maya maya lamang ay nakarinig ako ng kaluskos. Hindi ko pa rin idinilat ang mga mata ko dahil alam kong nasa harapan ko pa rin siya at nararamdaman ko pa rin ang mga kamay niya na ngayon ay nakahawak na sa mga balikat ko. "Open your eyes, Iris," sabi na naman niya, yon ang unang beses na binanggit niya ang pangalan ko at aaminin kong masarap sa tenga pakinggan pero hindi iyon sapat para sundin ko siya. Kaya lang, ang susunod na ginawa niya ay hindi ko inaasahan at kahit ayaw ko ay naidilat ko ang mga mata ko only to meet his.
"I should have done it earlier if I had known that it will make you do what I say." Nakangisi niyang sabi. Naloloko na ba siya? Paanong hindi ko maididilat ang mga mata ko eh dinilaan niya ang labi ko na nakapagpatayo ng lahat ng balahibo ko sa katawan. Sa pag-aalala na baka kung ano pa ang gawin niya ay nagpilit akong kumawala mula sa pagkakahawak niya ngunit mukhang inaasahan na niya iyon dahil mas humigpit pa ang pagkakahawak niya sa akin.
"Let me go," sabi ko, pero nginisihan niya lang ako.
"Why would I do that when you didn't do as I said earlier?" Ang tugon niya sabay hila sa akin bago niya sakupin ang aking bibig. Nanlaki na naman ang mga mata ko. Sa nagdaang mga araw ay hindi niya ako sinubukang halikang muli matapos nung unang beses bago ko malaman na siya pala ang napangasawa ko.
"Kiss me back if you didn't want to be on the same chair as that man." Ang kapal ng mukha at talagang pinagbantaan pa ako? Siya na nga ang nananalakay sa labi ko. Tsaka paano ko naman siya hahalikan kung hindi ko alam kung paano? Tapos ay hinalikan niya ulit ako at wala pa rin akong ginawa. "Open your f*****g mouth." Dama ka ang pagkayamot niya sa akin pati narin ang mainit niyang hininga sa aking bibig. Tapos ay bigla niya sinapo ang aking pang-upo at talaga namang naibuka ko ang aking bibig na kanya namang sinamantala dahil mabilis niyang ipinasok ang kanyang dila na akala mo ngayon ay parang may hinahanap.
Ganto ba talaga ang maghalikan? Nang matagpuan niya ang dila ko ay agad niya itong sinipsip at ayaw ko mang aminin ay parang gusto ko ng tuluyang tumugon sa kanya. Natatangay na ako at nanghihina na rin ang aking mga tuhod at laking pasalamat ko ng ikawit niya ang kanyang isang kamay sa likod ng aking bewang na nagsilbing suporta ko upang hindi tuluyang mapaupo. Tapos ay yun na, hindi ko namalayan ay hinahalikan ko na din siya kung paano niya ako halikan din. Pareho kaming kinakapos ng hininga ng tumigil at nakita kong nakatingin lamang siya sa akin. He had his face stoic so hindi ko alam kung galit ba siya o hindi.
"Next time, do as I say on my first warning," sabi nito bago niya ako binitawan at lumakad na palabas ng silid. Did he just ditch me after sharing that breathtaking kiss? I noticed a single seater couch so I sat there. I had to stay still and calm myself. Why did I respond to his kisses? He is my husband but it's not a valid reason to kiss him back. He threatened me, that's the only reason why I did that and there's no other way. Yes. That's it.
I closed my eyes at hindi ko napansin na nakaidlip na pala ako. Naramdaman ko na lang na may kamay na humahaplos sa aking pisngi at ramdam ko ang concern nang kung sino man iyon. I want to see whoever he is so I slowly open my eyes. Pero bakit ganon? Bakit si Alessandro ang nasa harapan ko? Is it just a dream? There's no way that the warm hand that I felt earlier was from him.
Paano mangyayari yon kung nakakunot na noo niya at simangot na mukha ang nakikita ko ngayon? Nagpalingalinga ako at nagbabakasakaling makakita ng ibang tao ngunit kami lang dalawa ang nasa kwarto. So it's just a dream. "Do you want to stay here? Just tell me so I can leave already," tanong nito na ikinainis ko. He didn’t even bother to consider the fear I felt earlier because of the gun firing tapos hinalikan pa niya ako. Tumayo na lamang ako dahil alam ko na din na walang pupuntahan ang pagsagot ko sa kanya, isa pa, wala na rin ako sa mood para makipagtalo pa.
Nauna na siyang lumabas pero ako ay hindi napigilang tignan ang upuan kung saan nakatali ang lalaki kanina. Dahil siguro nakatulog ako at medyo nahimasmasan na kaya nagawa ko yon. Napahinga ako ng malalim ng makita ko na wala na din ang lalaki, ayaw kong makita ang katawan niyang wala na ring buhay.
“Are you coming or not?” ang naiirita na namang tanong ng magaling kong asawa na pumukaw sa aking pag-iisip kaya naman lumabas na ako ng silid at sumunod sa kanya. “To SM,” sabi niya sa driver pagsakay namin sa sasakyan na ikinataka ko. Nasa pampanga kami, bakit kailangan pa niyang dumaan ng mall? Gagabihin na kami masyado pag-uwi. Hindi na lang ako nagtanong at baka samain pa ako, tapos ay pinili ko nalang manahimik sa kinauupuan ko na hanggang sa hindi nagtagal ay nakarating na kami ng SM Pampanga.
Madaming tao sa mall, parang sa Maynila din. Siguro ay dahil weekends at payday ng nakaraang araw. "Buy clothes and personal things you need. We will be staying here for three more days."Bigla akong napalingon sa kanya. Naglalakad kami at nasa unahan niya ako, ewan ko kung ikinahihiya niya akong makasabay. Pero kung ganon, dapat hindi na niya ako isinama. Bigla nalang niya akong hinawakan sa kamay at hinila papasok sa isang shop ng mamahaling brand ng damit. Sinimulan kong mamili matapos kong siguruhin na siya ang magbabayad ng mga ito. Nakita ko pang naningkit ang mga mata niya ng tinanong ko siya kung sino ang magbabayad bago ito dumukot sa bulsa at inilabas ang wallet tsaka kinuha at iniabot sa akin ang kanyang ATM.
Nilubus-lubos ko na, niyaya ko na din siyang kumain sa McDonald's na nung una ay ayaw pa niya dahil fast food daw. Gusto niya sa isang fine dining restaurant eh sa dami ng gutom ko hindi ko na gugustuhing umalis pa ganong nasa harapan na namin ang McDo. Pasalamat na lang ako at pabawas na ang mga tao. Ako na ang nagbayad para naman pasasalamat sa mga bagong damit at underwear. Nakakabili ako ng mamahalin kapag available ang credit card ng aking bestfriend na si Niña at binabayaran ko ng installment. Binibigyan ako ni Dad ng pambayad dahil mas OK sa kanya ang ganon kesa ang ibili niya ako na malamang ay malalaman at malalaman ni Beatrice na ayaw niyang mangyari. Busog na busog ako, rice at chicken tapos French fries at McFlurry, super solve. Samantalang si Alessandro ay hindi maipinta ang mukha. Hindi siguro siya kumakain sa kainan ng mga ordinaryong citizen. Hmp! Bahala siya.
Ang three days na stay namin ay dahil sa business niya. Tuwing aalis siya ay naiiwan ako sa mansion kasama ang ilang katulong at tauhan. Akalain mo may bahay din siya don, napakalaki siguro ng expenses niya para sa sahod ng mga tauhan niya. Nakabalik kami ng Manila at masasabi ko na maayos naman ang lahat sa mga nakalipas na araw. Pumapasok sa kanyang opisina araw-araw at uuwi sa hapon para lang din naman mag stay sa office niya sa mansyon. Hindi ko malaman kung bakit kailangan pa niyang umuwi para lang magtrabaho ulit. Hindi na lang niya tapusin ang lahat ng dapat niyang tapusin at magpahinga pagdating. It’s not that I am concerned about his health or wellbeing, I’m just saying. Oh, whatever, I couldn’t explain it.
I played a few online games daily and had them edited before I posted them sa aking page. I earned a lot from doing that without showing my face. I put voices in my videos but I used voice changer, female players were being trashtalked during games. We are being discriminated against because for some male players, females are weak and noob. But today, my friends asked me out and meet them in the mall so I am not working, I mean play. Instead, enjoy the rest of the day. Sobrang saya ko kaya nga lang ay nagkaroon ng emergency ang girlfriend ni Mikael na si Clarise na kaibigan ko rin kaya kailangan naming maghiwalay agad. Umuwi ako ng bahay at nag-edit na lang ng aking videos na saglit ko palang na i-popost ay ang dami na agad likes and shares. Masayang masaya ako dahil sa dami ng views na narereceive nito at siguradong may kita nanaman ako para sa araw na ito.
Gabi na ng mapansin kong wala pa si Alessandro na dati naman ay alas-5 palang ay nasa bahay na, nasaan kaya yon? Syempre kahit papaano ay nag-aalala naman ako sa kanya, asawa ko pa rin naman siya at wala pa siyang ginagawang masama sa akin. Maliban dun sa incident sa Pampanga at mga halik na basta na lang kinukuha ng walang paalam. I eat dinner at 7 because I’m sure, wherever he is, his assistant will provide him with his needs. Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa aking silid, naglaro ng ilang rank game bago nagdesisyon ng mahiga.
Ang masarap na tulog ko ay naantala ng magising ako sa bahagyang paglubog ng kama at pagdilat ko ay nakita ko si Alessio na nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil iba ang ang dating sa akin ng mga titig niya. Parang galit ito na hindi ko mawari. Bumangon ako at balak ko sanang tanungin kung kumain na siya at kung saan siya nanggaling pero hindi ko na nagawa dahil bigla na lang niya akong hinawakan sa leeg. Anong nangyayari sa kanya?