Napasalampak si Wong Ming sa loob ng abandonadong kweba na nakitan iya kanina at mabilis na napasuka ng dugo. Hindi niya aakalaing ganito ang kahihinatnan ng pagkuha niya ng napakaraming demonic essences sa loob ng reverse scale ng nasabing Water Demon na si Lord Damon. Hindi naman nangangamba si Wong Ming lalo pa't nalagyan niya na ng proteksyon ang buong lugar na ito. Mabuti na lamang at advance siya kung mag-isip lalo pa't kinakailangan niya ng pansamantalang lugar na gustong pamalagian sa kasalukuyan at iyon ay sa mga oras na ito. Magkagayon pa man ay napangiti pa rin si Wong Ming sa labis na kayamanang nakuha niya sa nasabing pambihirang bagay. Hindi naman siya ganon kasama at kaganid upang kunin na lamang ang reverse scale ng nasabing pinuno ng Poseidon Phlox Demon Clan para lam

