CHAPTER 11

1952 Words
Matapos ang launch ng bagong restaurant ni Melrose ay nagkayayaan ang barkada na pumunta ng mall. Ngayon lang ulit sila nagkasamasama maliban kay Trish na nasa America. They were inside the elevator nang magsalita si Melrose. "Thank you sa pagpunta, guys, ha! It really mean so much to me! Sayang lang at si Diyosa ay nagpapakadalubhasa sa America," masayang wika nito habang naka-angkla sa braso nila ni Chase. "Ang galing-galing mo, Mel! Proud na proud kami sa iyo!" masaya ring bati niya. Matagal nang pangarap ng kaibigan ang magkaroon ng sariling restaurant kaya nga Hotel and Restaurant Management and kinuha nitong kurso. Masasabi na maswerte silang magkakaibigan dahil hindi sila nabakante matapos nilang magtapos ng pag-aaral. Si Chase ay kinuha ng pinag-OJT-han nito bilang Marketing Assistant at siya naman ay natanggap din agad bilang Junior Mechanical Technician sa isang kilalang automotive brand. Madalas ay hindi magkatugma ang kanilang mga schedule kaya naman bibihira lamang silang magkasamang tatlo. Si Chase ay madalas siyang dalawin sa shop dahil sa crush nito na kasama niya sa trabaho. They were enjoying window shopping nang tila may makita siyang pamilyar na mukha sa crowd na nanonood ng mall concert. Dahan-dahan siyang lumapit para masigurado na hindi siya namamalik-mata. Her heart beat eratically just by looking at him. Von hasn't changed for the past 3 years except that he looked tanned now. Lalapitan niya na sana ito nang biglang may umangkla na magandang babae sa braso nito. Napaatras siya. Suddenly, her heartbeat stopped and her body felt numb! Is she crazy or what! Is she stupid enough to forget the 3 long years na wala man lang itong ginawa at wala man lang paramdam sa kanya? Is she that dumb to believe that he will still be the same Von that she constantly falls in love with everytime she thinks of him? Sa loob ng tatlong taon, how come na umaasa siya na siya pa rin? Napalunok siya. Hindi niya kayang tagalan pa na pagmasdan na may kayakap na iba ang taong ikinulong niya sa puso niya kahit wala siyang kapanigaruhan. Sabay na napatingin sina Chase at Melrose sa tinitingnan niya. Napaawang ang bibig ni Chase at bigla siyang hinila palayo sa mga ito. She was tongue-tied. Mabilis ang mga hakbang na tinahak nila ang parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ni Chase while she was sobbing. Niyakap siya ni Melrose at pilit na inalo. Suddenly, she stopped crying. Pinahid niya ang mga luha at tumawa ng pagak. "Ang tanga-tanga ko pala. Unang-una, ako naman ang may kasalanan kung bakit siya lumayo tapos aasa-asa ako na sa loob ng 3 years, hindi siya magmamahal ng iba?" pagkuwa'y umiling-iling siya. "So, Chase confirmed na, ang first love ko, hindi pala pang forever. Sabi na, eh, ako lang ang umaasa, ako lang ang naghintay sa wala! Ang tanga-tanga ko talaga!" pigil ang iyak na wika niya pagkuwa'y kinagat ang pang-ibabang labi at itinakip ang dalawang palad sa mukha habang patuloy ang pagluha. Hindi kumikibo ang mga kaibigan niya. Nakatingin lang ito sa kanya na para bang awang-awa. Muli siyang nagtaas ng tingin sa mga kaibigan bago muling nagsalita, "Ang sakit naman nito! Sobrang sakit!" reklamo niya habang animo binabayo ang sariling dibdib. Hindi na nakayanan ni Melrose ang nakikita, niyakap na siya nito ng mahigpit habang sabay na umiiyak sa kanya. "Khel, ganyan talaga 'pag nagmahal ka, minsan, akala mo siya na pala pero iyon pala, isa lang siya sa mga test na gagamitin ng Diyos para mas ma-appreciate mo ang taong nakalaan para talaga sa iyo. Don't lose hope, especially in love," pang-aalo nito. "Bakit kasi kailangan niyang bulabugin ang mundo ko noon? Nananahimik ako pero ginulo niya ako! Matapos niyang magtapat, matapos niyang umalis, heto ako si tanga, umasa naman!" muli ay naghimagsik ang kanyang damdamin. Pakiramdam niya ay nasisiraan na siya ng bait. Sobrang kirot ng puso niya. Gusto niyang magwala. Gusto niya itong sampalin at tanungin ng libong mga tanong na gumugulo sa isip niya pero mas pinili niya ang umatras, dahil natatakot siya sa maaring maging sagot nito. "Nakita ka ba niya?" tanong ni Chase. "H-Hindi ko alam. Hindi na rin niya siguro ako makikilala," paputol-putol niyang wika. Makaraan ang ilang sandali ay nagpakawala siya ng sunud-sunod na buntung-hininga at inayos ang sarili, "Ano ba 'yan, nagdadrama ako rito tapos siya ang saya-saya. Unfair!" "Give yourself some time, sweetheart. Magiging okay ka rin," wika ni Chase. "Wanna go somewhere?" tanong nito. "Sa Bar!" diretsahan niyang sagot. It was only 9 pm pero punung-puno na ang The RestauBar na karamihan ay mga estudyante. Then they realized na meron palang benefit mini-concert kaya madaming tao roon. Usually ay hindi ito napupuno ng ganoon kaaga. Wala silang makitang bakanteng mesa kaya napilitan sila na sa bar counter umupo. She's not a heavy drinker, but in her state and emotion, siguradong mapapasabak siya ng inom. Just tonight, I want to forget, bulong niya sa sarili. She ordered their first drink. Kilala na sila ng bartender doon na si Louisa dahil estudyante pa lang sila ay nagtatrabaho na ito roon. "Rough day?" tanong nito nang iabot sa kanya ang baso. "Worst day!" pagtatama niya rito. "Thanks!" dagdag niya bago inisang lagok ang laman ng baso. Napaubo siya. Pati ba naman ikaw, alak, hindi makikisama! malungkot na wika niya sa isip habang nakatingin sa walang laman na baso. She asked Louisa for another shot. "Aha, broken heart?" hula nito. Mapait siyang napangiti bago muling inisang lagok ang laman ng baso. This time, the liquid run smoothly down her throat. "Khel, hinay-hinay lang, ha. Hindi kita mabubuhat!" wika ni Chase. Hindi nito ininom ang inorder niya para rito dahil magmamaneho pa ito, so she drank it instead. Habang nagkukuwentuhan ay tumutungga sila ni Melrose and she already lost counting her drinks. "This is a celebration for both of us, Khel, okay. For my restaurant and for the liberation of your heart!" anas naman ni Melrose bago nakipag-toast sa kanya. "Yehey! Congrats, Mel! Proud na proud ako sa iyo! Alam mo naman iyon, 'di ba." medyo groggy na saad niya. Her face is so red at tinatamaan na rin siya ng espiritu ng alak. Napangiti siya sa sarili nang tugtugin ng banda ang kantang ‘Ngiti'. It's one of her favorite songs. Napabuntung-hininga siya at inilibot ang paningin sa bar. Some people come here perhaps to find love, to have fun, to ease their stress, to ease their pain and forget or to start a new beginning. Napakagat-labi siya habang pinapakinggan ang lyrics ng kanta. Napaisip tuloy siya. Kailan ba siya naging masaya noong umpisahan niyang mahalin si Von? During those times, all she did was get worried, be scared, and give up. The feelings that she had, grew deeper, silently. And that feeling eventually turned into a more powerful feeling when he told her that he liked her, but then, he just disappeared out of thin air! Tahimik siyang nagpatuloy sa pag-inom. Hungkag ang kanyang pakiramdam at para bang sasabog ang kanyang dibdib sa sakit na nadarama. After building a life with Von in her dreams, she have to restart and build a new life without Von in it. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang mahimasmasan siya sa kasalukuyan. Von was never hers anyway so she doesn’t have anything to complain about. Reality sucks! Sinenyasan niya si Louisa ng isa pa, pero hindi na ito nagpaunlak. Pinigilan ito ni Chase. "Lasing ka na, Khel. Halika na, umuwi na tayo," pigil nito at yaya sa kanya. Nakatungo lang siya habang hinahayaan na dumaloy ang luha sa kanyang pisngi. She’s badly hurt! "Bakit kasi hindi n'yo ako sinabihan na ganito pala kasakit magmahal?" mahinang anas niya. Niyakap siya ni Melrose at binulungan. "I think we need to have some fresh air, Khel. Let's go," yaya rin nito sa kanya. "Guys, pagbigyan n'yo na ako. This time lang. Gusto kong magpakalunod. Gusto kong kahit paano, maging manhid ito," itinuro niya ang dibdib niya and continue crying bitterly, "Kasi sobra talaga, sobrang sakit!" "Khel, alcohol won't do any difference, except ofcourse, hangover," banta ni Chase. Nakatungo pa rin siya ignoring what he said. "I just wanted to drink and atleast, forget even for a while, please," mahinang anas niya. Si Chase na ang nagbigay sa kanya ng baso, "Last na ito, ha." Marahan niyang ininom ang alak kasabay ng mga alaala ng nakaraang tatlong taon... "Trish, kausapin mo nga ako. Bakit ba iniiwasan mo ako?" tanong niya sa kaibigan. "Ano ba ang dapat nating pag-usapan, Khel? For the first time, you won," sagot nito. "Ano ba ang nangyayari sa iyo, ha!" naiinis na siya sa ikinikilos nito. "Khel, c'mon. Do you think I'm dumb? Okay, let me give you a hint... si Von!" hinarap siya nito na may pang-uuyam. Tila tumigil ang paghinga niya. "Just what I thought!" wika nito. "Trish, ano ka ba. Makinig ka nga muna!" pinigilan niya itong lumabas ng dorm. "Then what? The problem with you, Khel, you are pretentious!" masakit ang mga salitang binitawan ni Trish. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "The way you dress, the way you talk, bakit ba ganyan ka?" Hindi siya makapaniwala sa naririnig mula rito. Nanatili siyang tahimik at pinakinggan lang ang sasabihin nito, as always. "Do you like him?" muling tanong nito at hindi niya alam kung ano ang isasagot. "God, Khel! Simpleng tanong lang hindi ka makasagot?" tila nauubusan na ng pasensya si Trish. "Ayokong masira ang pagkakaibigan natin nang dahil lang sa kahit na sinong lalaki, Trish --" sa wakas ay nagsalita na siya ngunit pinutol din nito. "Wow! Khel, naririnig mo ba 'yang sarili mo?" nagpakawala ito ng hininga bago muling nagsalita, "I heard your conversation with him. How can you say those words without even thinking of your own happiness?" nangingilid na ang luha ni Trish. "I want to stay mad at you, be illogical and think of my selfishness, basically dahil ako ito. Pero palagi mo na lang ibinibigay sa akin 'yong alam ko na gusto mo rin. I waited for you to tell me, pero wala kang sinabi. You stayed lonely and aloof for a reason that you don't even want to share with me, or us, your so-called friends. I was hurt nang malaman ko na ikaw ang gusto ni Von, but I was torn when you didn't even say anything to me noong bigla na lang nawala si Von. I was crying not because of Von, I was crying because of you, because you became a stranger to me," pahayag nito. Naikuyom niya ang mga kamay niya. She doesn’t know what to reply. "Damn, Khel! Please say something! Anything! Ano? Mananahimik ka na naman!" marahan nitong niyugyog ang balikat niya. "Hindi ko naman sinasadya, Trish. Hindi ko rin alam kung paano nagsimula. Noong nakita kitang umiiyak, noon ko naisip na hindi ko talaga siya pwedeng mahalin. Saka Trish, wala naman akong kailangang sabihin sa iyo. Kung anuman ang narinig mo, hindi ko 'yon tinanggap dahil ayokong masaktan ka," mahinang paliwanag niya. "Khel, hanggang kailan mo ako pagbibigyan sa lahat ng gusto ko kahit nasasaktan ka na? I'm your bestfriend. Naisip mo ba na gusto kong makita na nagkakaganyan ka? You're different now, Khel. And I don't like the new you. I feel like I am the worst bestfriend in the whole world!" madamdaming pahayag nito at pagkuwa’y niyakap siya. "Hindi mo ako kayang protektahan habambuhay, Khel," Trish said and looked at her, "I want you to be happy. If your happiness is Von, look for him and tell him what you feel." Noon niya na pinakawalan ang pinipigilang luha. She underestimated Trish. Akala niya ay mananatili itong matigas at makasarili. Not to her, atleast.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD