Malcolm’s POV
SA kabilugan ng maliwanag na buwan nag-anyong lobo ako at umalulong ng mahaba. Senyales na paparating na ang kanilang Beta. Nakarinig ako ng reply na alulong galing sa Alpha namin, at sa aming Omega na si Arcelloyd Merci. At iba pang kasama mag- patrol ng territory namin.
Si Arcelloyd Merci ay napaka misteryoso niya. Lagi siyang nasa likuran ni Papa. Minsan siya rin ang tapat na taga pagpayo ng aking ama. Ang puting balahibo niya ay may patch na itim at naglalahong gray ito. Ang katawang tao niya ay napakaganda rin kasama siya sa mga naliligo noong nakaraang araw ng mga patrols namin.
"Arcelloyd pumunta ka sa gawing south ng territory natin. Ikaw naman, Malcolm sa North." Utos ng Alpha sa amin.
Inutusan din niya ang iba. At nagmadali na akong tumakbo sa masukal na gubat papuntang north. Malapit sa teritory nila Zid. Sobrang saya ang nararamdaman ng puso ko sana makita ko si Zid. Na-miss ko agad siya. Alam kong magkasama kami lang kami noong isang buong gabi kaso parang isang taon ko siyang hindi nakita. Ganito siguro talaga ang pakiramdam kung gusto mo ang tao at mutual ang feelings niyo. Ramdam ko rin kasi na mahalaga ako sa kanya.
Hindi ko inaasahan may naamoy akong kakaibang amoy sa paligid. Tila ba hindi nabibilang sa aming pack.
Sinubukan kong tumingala at amoy- amoyin ang palagid. Ang direksyon ng amoy ay sa gawing hilaga malapit sa boundery ng Blood Moon at Nightshade. Pumunta ako sa gawi kung saan naamoy ko ang kakaibang amoy. Isa itong dahuyang amoy na walang pagkakakilanlan. Natunton ko ito at sa maliit na siwang, sa likod ng mga damuhan doon ako nagtago. Kahit na madilim kitang- kita ko pa rin ang human form nila. Pinanatili kong tago ang aking aurang pinapalabas at pinalitan ko ito ng ibang hayop upang hindi nila ako maramdaman sa paligid. Kitang-kita ko ang isang babae at lalaki. Hindi ko masyadong maintindihan kung tungkol saan ang pinaguusapan nila pero dinig na dinig ko sila.
"Nagawa mo na ba ang formula?" tanong ng babae sa lalaki.
"Hindi pa. Pero malapit na 'yon magawa ni Prof." sagot ng lalaki.
Hindi ko sila kilala. Pero tingin ko hindi sila gagawa ng maganda. Hindi ba nila alam nasa teritoryo namin sila? Nanatili akong nakikinig.
"Si Prof? Matagal 'yon gumawa at napakatamad niyon. Malapit na ang pagsibol ng buwan ng bakunawa." sabi ng babaeng boses sa kausap.
Ang buwan ng bakunawa? Ito ang eclipse. Ayon ang hudyat ng Golden Tail Cup!
"Kailangan magmadali sa pagsibol ng bakunawa. Para matupad na ang nakatakda." Pagpapatuloy ng babae.
Sino si Prof.? Ano'ng kailangan ba nila. Sa kadahilanan hindi ko na kinaya ang pinaguusapan nila at gusto ko na silang komprontahin kung ano ang kanilang pakay; lumabas ako kung saan ako nagtatago. Umangil ako sa kanila. Hindi man lang sila natakot kung 'di matalim pa nila akong tiningnan. Pinakita ko ang matatalim kong pangil at nagpatuloy sa pag-angil sa kanila.
Inikutan ko sila. Senyales ng awtoridad.
"Sabihin niyo? Ano'ng ginagawa niyo sa teritoryo ng mga Blood Moon?" Nagsimula akong magtanong sa mga isipan nila.
I saw the woman smirked.
"Teyka ikaw ang Beta nila, hindi ba?" sabi ng babae.
Paano niya ako nakilala? Sino ba sila?
"Gusto mo malaman kung saan ka nagmula?" Tanong nang lalaki sa akin.
Naging parang bato ako sa aking narinig.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" I growled at them showing my pearly white killer teeth.
Hindi na nakapagsalita ang lalaki nang may sumunggab sa kanya mula sa likuran. Isang malaking puting lobo. Nagpaikot-ikot sila at nagpalit anyo na rin ang lalaki sa pagiging lobo. Isa siyang kulay gray ng kulay itim ang kanyang kalahating buntot. Nagpalitan ng mga pag-angil. Mula sa kanilang pagtagisan ng lakas kanina ay ngayon parehas na silang nakatayo sa kanilang mga paa.
"Tayo na Greyson. Iwan na natin ang mga 'yan!" Sigaw ng babae na nasa itaas na ng puno. Ang kanyang mahabang itim na buhok ay sumasayaw kasabay ng hangin.
"Umalis na kayo rito o gagawin ko kayong agahan ng mga kaibigan kong bampira!" Mariing sinabi ni Zid sa lalaki kanina na anyong lobo na ngayon. Matindi pa siyang umangil.
Tumakbo palayo ang mga dayo at naiwan kaming dalawa ni Zid. Gusto kong habulin ang mga iyon ngunit pinigilan ako ni Zid. Lumagpas na siya sa guhit ng aming borderline. Excited akong makita si Zid kaso may mga dayuhan na narito lang kanina sa teritoryo namin at mukhang hindi gagawa ng maganda ang mga ‘yon.
"Zid, baka may makakita sa atin. I mean sa 'yo na narito ka sa teritoryo namin." Babala ko sa kanya.
Nagpalit anyong tao siya.
"Bakit ayaw mo ba akong makita?" Tanong niya. Sumukot siya ng upo at hinawak- hawakan ang pisngi ko na dinila-dilaan ko naman ang kanyang kamay. Then he patted my head.
"Gusto. Kaso baka makita ka ng pack at maging lalong magkagulo."
"Hayaan mo sila. Magpalit ka na ng human form mo at mag- s*x tayo ulit." He grinned.
Nagpalit anyong tao ako. "Sira ulo ka talaga!" Natatawang sinabi ko.
"Hay!" Tumalikod siya at namewang. Kitang-kita ko ang matambok niyang puwet. Saka siya nagpatuloy magsalita. "I just save you. I should earn something." Pabirong tono ng boses.
"Okay sabi mo. Teka kilala mo ba sila?"
"Sila ang mga Huntre,” ang kaninang nakatutuwang mukha ni Zid ay napalitan ng pagiging seryoso nito.
"Huntre?"
"Oo mga tumiwalag na iba't- ibang pack at gumagawa sila ng bagong breed ng mga werewolf." Balita sa akin ni Zid.
Nagulat ako. Masama ito. Ano'ng dahilan kung bakit sila gumagawa ng mga bagong breed? Bakit?
"Gagamitin ba nila ito sa Golden Tail Cup?"
"Wala pa akong matibay na ebidensya. Pero 'yung babaeng nakita mo? Hindi siya tunay na babae. Isa siyang Hybrid. Siya si Melvin pero ang pangalan niya na ngayon ay Melanie." Sagot ni Zid.
What! Transgender na taong- lobo?! Medyo na shocked ako sa sinabi ni Zid. Ano bang nangyayari sa mundo?
“Kailngan malaman ito ng Alpha.” anunsyo ko.
“No, wala pa akong evidence. We are still investigating this one.”
“Pero malaking kaguluhan ito kapag hindi pinag- alam sa, Alpha,” saad ko.
“I understand, Malcolm. You are concern about your pack. Pero hindi natin kailangan magpadalus- dalos sa ngayon.” He grabbed my arms and it slides to my hands. Dama ko ang lamig ng kanyang mga palad,
“Are you scared, Zid?” Tanong na tanging lumabas sa aking bibig dahil nag- aalala ako sa kanya. Alam ko takot din siya. Ito ang unang pagkakataon na narinig ko ang takot na namuo puso ni Zid.
Hindi siya nagsalita at hinigit niya ako papunta sa kanya at niyakap ng mahigpit. I will treasure this every moment with Zid. Kahit na sandaling mga oras lang ito, ang mga sandaling kasama mo siya ang nagpapagaan sa akin at bumubuo ng pagkatao ko.
“I love you, Malc.” He mumbled. Humugot siya ng malalim na hininga at nagpatuloy. “Ano mag-s*x na ba tayo?”
Bahagya ko siyang sinikmuraan. “Panira ka naman ng moment.” I smirked and pouted.
“Masakit ‘yon ah!” reklamo niya.
“Ang arte mo! Para kinurot lang kita,” ngiti ko.
“Mas masaya kung kukurutin mo ang itlog ko,” pagbibiro niya.
“Ikaw talaga Zid napaka- pervert mo!”
Isinantabi namin ang pagbibiruan namin nang may narinig kaming isang alulong. Isa itong warning or emergency howl. Dinig rin naman na mayroong pagsabog at ito ay sa gawing village namin. Nagkatinginan kami ni Zid at mabilis na nagpalit anyong mga lobo at tumakbo sa gawi ng pagsabog.
“Bumalik ka na sa inyo Zid. Ako na ang bahala rito,” kinausap ko siya gamit ang isipan ko.
“Hindi sasamahan kita,”
I growled at him. “No! Magkakagulo pa lalo. Babalitaan kita,” I assured him. Para hindi na siya magpumilit.
Huminto siya sa pagtakbo. We parted ways. Amoy ko na rin na malayo na si Zid at nakabalik na sa kanilang territory. Habang patuloy ako sa pagtakbo papunta ng village namin, may kung anong kaba ang nararamdaman ko. Ang dalawang nilalang ba na ‘yon ang umatake sa village namin? Madami kaming mga tuta baka kung ano na ang nangyari sa kanila. Sila agad ang naisip ko. Ang kapakanan ng mga bagong hinerasyon na werewolf namin.
Nakarating ako at nasusunog ang aming laboratory na gawaan ng mga gamot namin. Nagtutulungan na ang aming mga kasamahan para masugpo ang apoy. Nagmadali akong magbihis ng damit, iniwan ko kasi kanina sa bushes ang bag na may lamang damit at sapatos. Kinabahan ako kasi akala ko mga bahay na ang nasusunog at sinalakay na kami ng mga masasama. Dumating ang aking ama galing sa patrol. Nasugpo din naman ng mabilis ang apoy dahil umulan na rin. Medyo mag-uumaga na. Ayos lang naman sa mga katulad namin kahit walang tulog. Minsan nga ilang araw walang tulog okay pa rin kami.
“Ano’ng nangyari dito?”
“Alpha. Nagkaroon ng short circuit siguro at ito ang sanhi ng sunog,” balita ni Xenon Arguelas. Half- brother ni Leila at intern dito sa laboratory namin.
“Alamin niyo ang sanhi ng arson. Pero kapag may lobo na nasa likod nito, haharap siya sa konseho,” banta ng Alpha sa aming lahat.
“We will investigate, Alpha,” saad ni Arcelloyd Merci.
Kaming tatlo nina Xenon at Arce ang inatasan para mag-imbistiga. Humupa na ang pag- ulan at sunog at naabo ang ibang mga gamit sa facility. Nagbagsakan ang mga yero na sunog at ilang mga kahoy na materyales. Ang tanging nakatayo lang ay ang concrete na haligi nito na may bakas ng sunog rin. Gaya ng utos ni Papa mag- imbistiga kami kung ano ang sanhi ng sunog. May nakita naman kaming outlet na sunog na sunog at may isang bagay doon na halos hindi mo na ma- distinguish kung ano ito.
“Laptop?” tanong ni Xenon.
“Malamang laptop nga ‘yan,” pag kumpirma ni Arce.
Inamoy ko ang sunog na bagay na iyon. Medyo naubo pa ako kasi ang baho nito. Alam ko naman agad kung kinino ang laptop na ‘yon. “Kay, George ito,” sabi ko.
“Ang banding na ‘yon!” galit na umalis si Xenon dahil pinsan niya si George at pupuntahan niya sa bahay.
Hinabol ko naman si Xenon, pero hindi ito nagpapigil at dali- daling pumasok ng kanilang bahay at doon, nakita agad si George sa may kusina. Naka- bathrobe pa ito at may green na mud pack sa kanyang mukha. Mabilis na sinunggab ni Xenon ang robe ni George sa kanyang dibdib.
“Ay! Ane bers!” sigaw nito dahil gulat sa ginawa ni Xenon.
“Sabihin mo ano’ng ginagawa ng laptop mo sa lab?” galit na usisa ni Xenon.
“Laptop? Hindi ko maintindihan insan Xee,” kunot- noong sabi nito. Binitawan naman siya ni Xenon dahil sa sagot nito.
“May laptop na nakita sa crime scene ng arson. At laptop mo ang sanhi ng sunog,” anunsyo ni Arce.
“Nako mga papi, three days na nawawala ang laptop ko. Worried na nga akes kasi may mga bagong download ako na Thai BL series. Hindi ko na napanood.”
Kung matinding alibi, si George na ang pinakamalinis at nagsasabi ng totoo. Ramdam ko na totoo ang sinabi niya dahil banayad ang t***k ng puso niya at sa tono ng pananalita niya, maayos ang sagot. Pero bakit hindi niya ito ni- report sa Alpha kung may nawawala siya. Ganito sa village namin kaunting bagay na nawawala o may problema dapat alam ng Alpha.
“Ba’t hindi mo ni- report sa Alpha?” tanong ko.
“Hindi ko na ni- report kasi hindi naman dito nawala ang lappy ko. Alam ko sa library ko lang siya naiwan or sa locker sa school. Saka nag-plano na rin ako bumili ng bago,” sagot ni George.
Tinigilan na namin ang interrogation namin kay George. At bago ako umuwi ng bahay, dumaan muna ako sa lab namin na nasunog. May natapakan ako salupa at gumawa ito ng isang cracked sound. Inusisa ko kung ano ito, ‘Rocu…’ ito lang ang nabasa ko dahil basag na ang ilang parts nito. Ano’ng ginagawa ng isang gamot nito sa labas? May mali dito. May mukhang nagbabalak ng hindi maganda sa Blood Moon Pack. Kailangan kong mahuli muna kung sino ang nagtataksil bago pa niya gawin ang hindi maganda. Kailangan ko siyang maunahan.