Kinabukasan, parang walang nangyari. O at least ‘yon ang gusto ni Thisa ipaniwala sa sarili. Pagpasok pa lang sa kumpanya, diretso siya sa studio, hindi man lang lumingon sa direksyon ng office ni Rozen. Yes, since partner na sila, may designated area na rin ang team nito.
Ayaw niyang maalala kung paano siya muntik nang maubusan ng pasensya kagabi. Ayaw din niyang aminin na kahit gaano siya nairita, there was a part of her still stayed awake for a long time, thinking about the way Rozen looked at her, the tone of his voice that carried both tenderness and arrogance. At ang pinaka mas malala, 'yong panakaw nitong halik sa kanya.
Mabilis niyang nahilot ang sentido nang maalala na naman 'yon. Kung titingnan, mahahalatang wala siyang sapat na tulog. Pakiramdam niya mukha siyang haggard. Kung wala lang siyang tatapusin ngayon, hindi sana siya papasok.
“Focus, Thisa,” mahina niyang bulong sa sarili habang pinipilas ang ilang sketches at inaayos ang mga tela sa mesa.
But no matter how much she pretended to be busy, she couldn’t help glancing at her phone, half-expecting a message. But there was none. And maybe that was for the best. Ayaw niyang maistorbo lalo na't wala siyang tulog. Wala siya sa mood. At sana walang kumausap sa kanya ngayon at baka masigawan pa niya ito.
Nang dumating ang hapon, abala siya sa pagtatahi ng prototype design nang biglang bumukas ang pinto ng studio. Napalingon siya, at halos mahulog ang gunting sa kamay niya nang makita kung sino ang pumasok.
Si Rozen. Ano naman kaya ang kailangan nito?
He was wearing a dark blue suit that was clearly custom-tailored, formal, yet not too corporate. A slight smile played on his lips, as if he knew exactly the effect his arrival would have.
“Thisa,” bati niya, kalmadong-kalmado. “Busy?”
“Obviously,” supladang sagot ni Thisa, at ibinalik ang tingin sa ginagawa. “Akala ko ba may sarili na kayong office? What are you doing here? If you had something important to say, you should’ve informed me, hindi 'yong papasok ka na lang bigla.”
“Meron,” sagot nito, naglakad palapit. “Naisip kong dito na lang ako mag-review ng designs. You don’t mind, do you?”
Napa-ismid si Thisa. “Review? Hindi ba may team ka para doon?”
Ngumiti lang si Rozen, naglakad pa palapit sa mesa niya, tinitingnan ang mga sketch at sample cloth. “I prefer doing things personally, especially kung ikaw ang kasama ko," halos pabulong nitong sabi.
Napataas ang kilay niya, “Excuse me?”
“Nothing,” sagot nito, pero halata sa tono na tuwang-tuwa. "Just don't mind me. Continue what you're doing."
Natahimik silang dalawa sandali, tanging tunog lang ng gunting at papel ang maririnig. But Thisa could feel Rozen’s presence, every movement, every breath he took seemed deliberately meant to ruin her concentration.
Maya-maya, tinapik ni Rozen ang mesa. “By the way,” aniya, “I decided to treat the team tonight. Celebration for the success of the event. You’re coming, of course.”
“Hindi mo ba nakikita? I'm busy. Hindi na kailangan—"
“Kailangan,” putol ni Rozen, sabay ngiti. “It’s my way of saying thank you. Besides, ikaw ang project lead. Hindi pwedeng wala ka.”
Walang nagawa si Thisa kundi mapabuntong-hininga. Alam niyang kahit anong tanggi, may paraan si Rozen para mapilit siya.
Gabi na nang matapos ang maikling dinner gathering. They were at a resto-bar near the company, and while the other employees were busy chatting, Thisa sat quietly on the side. She couldn’t stay still, sensing that every move Rozen made carried some hidden intention.
Tuwing dumadaan ito sa likod niya, bahagya siyang natitigilan. Tuwing nagsasalubong ang mga mata nila, agad siyang umiiwas.
“Hey,” tawag ni Rozen habang palabas na sila ng restaurant. “You okay?”
“Fine,” sagot niya, mabilis. “I just need some air.”
Naglakad siya pabalik sa kumpanya, sa may terrace area ng building kung saan madalas siyang nagpapahangin kapag gusto niyang mapag-isa. Tahimik doon, walang taong naglalagi at higit sa lahat mahangin.
Pumikit siya sandali, huminga nang malalim. “You’re okay, Thisa. You’re over him,” bulong niya sa sarili.
Pero halos mapatalon siya nang marinig ang pamilyar na boses sa likod niya. “Lagi mo pa ring ginagawa ‘yan kapag stress ka.”
Napalingon siya—si Rozen. Hawak ang coat nito sa braso na para bang kanina pa siya roon, eh sabay lang sila lumabas, o baka naman sumunod sa kanya? Hindi lang napansin.
Ano ba 'yan! Kung kailan kailangan niyang huminga saka pa dumating ang lalaking 'to!
“Rozen, ano na naman—”
“Relax,” putol niya. “Hindi ako nandito para makipagtalo o inisin ka. I just… needed to clear my head too.”
Natahimik sila pareho, pinapakiramdaman ang isa't-isa.
"Naiinis ka ba?" biglang tanong ni Rozen dahilan para mapatingin siya rito.
"Hindi pa ba halata?"
He walked closer, slowly, his footsteps almost soundless. Nang halos magdikit na ang mga katawan nila, napasinghap si Thisa. Hindi siya umatras, pero hindi rin siya lumapit.
“Rozen please,” sabi niya, mahina. “We’re not doing—”
Pero bago pa niya matapos ang sasabihin, dumulas na ang kamay ni Rozen sa pisngi niya, marahan, parang humihingi ng pahintulot. “Thisa…” tawag niya, halos pabulong.
And there, under the dim light and the quiet night, Rozen kissed her. Slowly. Gently. As if every second was his way of remembering how it used to be, how the world used to stop between the two of them.
Hindi agad gumalaw si Thisa. Pero nang maramdaman niya ang init ng labi nito at ang pamilyar na lambot ng halik, unti-unti siyang napapikit.
Sandaling katahimikan. The noise of the world was gone, the company, the people they had to prove themselves to, all of it disappeared. What remained was just the two of them, and a kiss that felt like it should’ve happened long ago.
When they pulled away, both were breathless, both stunned. Rozen looked at her, his gaze heavy. “Tell me you didn’t miss this,” he said softly.
Pero bago pa makasagot si Thisa, umatras siya ng bahagya, mabilis, at tinalikuran ito. “Goodnight, Rozen.”
At kahit hindi na lumingon, ramdam niya ang pagsunod nito ng titig sa kanya na para bang sinasabing, I will win you again.
Habang naglalakad palayo sa lalaki, napahawak siya sa labi. "No!" Napailing siya. "Hindi ako bibigay sa kanya! I still hate him! He divorced me, and now, he wants me back? Ginagago ba niya ako?"
Pagbalik niya sa office, halos sabunutan na niya ang sarili. "Ugh, that freaking Rozen! Magnanakaw ng halik!"