"Umuwi ka muna ng Pilipinas Aira, masyado ng magulo baka mapahamak ka pa habang nasa poder kita masyado ng mainit. Pakisabi sa kuya na mo patawarin ako sa naging desisyon ko. It was a mistake ng maki-alam pa ako," "Paano kayo dito lolo?" "Kaya ko ang sarili ko. Hiling ko lang ingatan mo ang sarili mo ganun din ang mga mommy at mga kapatid mo. Alam kong kaya mo. Nagawa mong lusutan ang mga guards na itinalaga ko kay Daniella kaya nakakasigurado ako na mapoprotektahan mo rin ang pamilya mo." wika ng matanda. "Hinahunting po tayo ng mga Lagdameo, Tiyak na sa huli po malalaman nila ang totoo na tayo ang kumuha kay Ate Daniella." "Bakit na tatakot ka ba na harapin ang mga Lagdameo?" hindi nakasagot si Aira. "Wala akong masamang ginawa kay Daniella, itinago ko lang s'ya dahil kung 'di natin

