8 YEARS LATER SHANINE "Handa kana ba sa pagbabalik mo?" Tanong sa akin ni Dexter. Siya ang asawa ni Jackie. Napapanggap lang pala siya walang malay para makatakas kay Jackie. Ang sabi niya sa akin nang marinig niya na babanggain kami, gumawa siya ng paraan para makatakas sa kamay ni Jackie upang iligtas kami. Malala ang naging tama ko. Puputulin sana ang paa ko dahil malaki ang fracture ng kanang paa ko ngunit hindi siya pumayag. Matagal akong nag-therapy para bumalik ako sa dati. Nawalan ako ng pag-asa nang malaman ko na nawawala ang anak ko. Siya nalang ang buhay ko pero kinuha pa siya ng mga walang hiya. Alam ko sa puso ko na buhay pa ang anak ko. Pagbabayarin ko sila sa walong taon na pangulila ko. Hindi ko alam kong makilala pa ako ng magulang ko. Dahil sa mahabang gamutan kinakail

