HEATH I was f*****g insane nang marinig ko na may tumangay sa asawa ko. Isa-isa ko sinapak ang mga tauhan ko bakit hinahayaan nila na mag-isa si Shanine. Ang kabilin-bilinan ko sa kanila ay sundan nila ito habang papunta ng simbahan. Malakas ang kutob ko na si Adam ang may kagagawan nito. Hindi ako tumigil sa paghahanap sa kanila. "Mapapatay ko ang gagong iyon oras mahuli ko siya." Bulong ko saxaking sarili. Napuno na ako sa kanya at sisiguradohin kong pagsisihan niya ang ginawa niya. Hindi ko pinatanggal ang decoration ng simbahan dahil alam ko babalik ito. Kinagabihan nasa bahay ako ng biyenan ko nang dumating ang ina ni Adam kasama si Natasha. Pinaalam nila na babalik na bukas ang asawa ko at si Adam. Napayukom ang kamao ko dahil hindi ako papayag na hindi siya magbayad. Sinira

