HEATH Gusto kong habulin ang asawa ko ngunit pinipigilan ako ng aking isip. May mga bagay talaga na sa huli ang pagsisisi. Dapat talaga mahalin ang mga taong nakapaligid sa atin para wala tayong pagsisihan sa huli. Bumalik ako sa kinaroroonan nina Jasmine at Jackie. Ngunit habang papalapit ay nakaramdam ako ng pagkahilo at nanlalabo ang mata ko. Sumandal ako sa pader dahil halos malagotan na ako ng hininga. Umaagos na ang aking luha dahil para gusto ko nang bumigay. Walong taon at limang buwan na rin akong nakikipaglaban sa sakit ko. "Daddy si Mommy!" Umiiyak na sigaw ni Jasmine habang papalapit sa akin. "Damn. Kunin mo ang bag ni Mommy." Inalalayan ako ni Jackie hanggang sa kotse. Siya na ang nag-drive papunta ng hospital. "Mrs. kailangan na operahan ang asawa mo dahil kung magta

